Pasensya naman kung maiksi yung last update. Haha. Thankyou sa mga nagbabasa, nagvovote at nagcocomment. x))
-27-
CHRISTINE’s POV
Binaba na ni Frank yung phone. Argh. Ano na namang katangahan yung ginawa ko? Pusha. May sarili atang utak yung katawan ko eh. Ugh.
“Anong ginagawa mo dito?” narinig kong sabi ni Kuya Dim na nasa labas ng bahay. Wala nga pala kaming pasok ngayon. May seminar yung teachers.
Out of curiousity, lumabas ako ng bahay. Sino kausap nun?
Pagkalabas ko,
“Anong kelangan mo kay Tin-Tin namin?” sabi pa ni Kuya Dim dun sa lalaking kausap nya. Nung napatingin ako dun sa lalaki..
OHMYGOD!
SI JEREMIAH?!
“Kuya!” singit ko.
“Oh Tin, bakit ka nandito? Pumasok ka na sa loob.” Sabi nya at tinago ako sa likod nya.
“Kuya naman eh. Kilala ko yan. Kaibigan ko, si Jeremiah.” Sabi ko at lumapit kay Jeremiah.
GHAAAAAD! Nakakahiya!
“Ano? Nakikipagkaibigan ka, hindi mo man lang sinasabi samin?” nakakunot na sabi ni Kuya.
“Kailan pa nagkaron ng ganung sistema sa bahay natin kuya ha?” As in, ngayon ko lang narinig yun sa kanya. Dati naman hindi sya ganyan eh. Natutuwa pa nga sya na nagkakaroon ako ng bagong kaibigan.
“Kailan kamo? Simula ngayon.” Pagmamatigas nya.
Mukhang naguguluhan na si Jeremiah samin. Waaaaaaaa. Nakakahiya talaga.
“Pwede ba, Kuya Dim. Stop it. Saka hindi mo ba sya kilala? Sya si Jeremiah Lee oh. JE.RE.MI.AH.LEE.” in-emphasize ko pa talaga.
“Oh so? Tch.” Tapos pumasok na sa loob si Kuya.
Ano bang nangyayari dun?
Hinila ko palabas si Jeremiah.
“Uy pasensya na sa inasal ng kuya ko ha? Ganun lang talaga yun, masyadong protective.” Sabi ko.
“Okay lang yun, ‘nu ka ba. Hindi lang siguro maganda yung first impression nya sakin.”
“Pasensya na talaga ha. Oo nga pala, bakit ka napadpad dito samin?”
“Wala naman. Gusto lang sana kitang bisitahin. Eh kaso parang hindi ako welcome sa bahay nyo kaya uuwi na lang ako.”
“Ay nako, sorry. Uhm.. Gusto mo kaen na lang tayo sa restau? Para naman makabawi-bawi ako sa ginawa ng kuya ko. Please?” sabi ko at nagpout.
“Sige ba. Basta treat ko.” Sabi nya nang nakangiti at nakalagay yung dalawang kamay sa magkabilang bulsa nya.
Shems, ang gwapo ng nilalang na ‘to. *u*
“Yon naman. Haha, sige. Tara na!”
Naglakad na ‘ko. Pero napansin kong wala sya sa tabi ko. Paglingon ko, ayun. Nasa pwesto pa rin nya at naguguluhan yung itsura. Anyare sa kanya?
Bumalik ako sa kanya. Nakatingala ako. Shae, nakakangalay. Ang tangkad kase nya eh.
“Huy! Anong nangyari sayo?” tanong ko.
