-10-
CHRISTINE's POV
"Ahh. Sya pala yun?"
"Tss. Pangit nya."
"Akala ko pa naman maganda."
"Oo nga eh. Yan pala yung taste ni Frank?"
"Yeah. Eww.. Just.. Eww.."
Tumakbo na ako papasok ng classroom. Hindi ko na kaya yung mga naririnig ko. Agang-aga yan ang nahagip ng tenga ko. Akala ko pa naman, after the interview last night eh mawawala na yung issue. Hindi pa pala. Sabagay, ganyan naman sa showbiz. One week pa ata bago tuluyang maglaho ang issue na yan. Bakit kasi napasali pa ako dyan? Tch.
Sinalubong naman ako ni Mica nang makapasok na ako sa classroom. Umupo ako sa designated na upuan ko samantalang si Mica eh umupo sa katabi kong upuan kahit hindi naman talaga sya dito nakaupo.
Napangalumbaba lang ako. Hay.
"Oh baka malugi." paninira nya sa moment ko.
"Psh."
"Ano ba kasing nangyari?" sabi ko na eh. Eto rin itatanong nito.
"Napanood mo naman siguro yung interview ni Frank diba?" sarcastic kong sagot. Aba, totoo naman eh.
"Oo. In fairness ha, pinagtanggol ka nya." napansin nya din yun.
"Oo nga eh. Nakakapanibago." kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Paanong nakakapanibago?"
"Walang ginawa yung kundi ang sungitan ako. He even called me in my true name kaya naiinis talaga ako. Mataas din ang pride nya. Nakakapagtaka lang na nagawa nyang magsorry." sabi ko pa.
"Aba, eh tao lang din sya Tin. Nagsosorry din yun."
"I mean, nagsorry sya in public? Oh c'mon. Hindi kapani-paniwala." totoo. Hindi talaga kapani-paniwala.
"Sus! Malay mo naman may gusto na sayo." pinandilatan ko sya ng mata at kasunod nun ay death glare.
"Pati ba naman ikaw naniniwala sa tsismis na yan?!" aba eh, bestfriend ko tapos pinaniniwalaan yung tsismis na ganun? -___-
"Wala namang masama kung maniniwala ako." at parang hindi sya nasisindak sa tingin ko. Cool pa nga ang peg neto eh.
"Langya ka. Bestfriend pa naman kita." inirapan ko sya. Pero syempre, joke lang yun. Ganyan kami magmahalan ng bestfriend kong 'to.
Maya-maya ay dumating na yung teacher namin. Dito lang ako nakahanap ng kapayapaang kanina ko pa hinahanap. Chos, ang lalim. -__-" Paano eh, aral lang ng aral at walang tsismis. Medyo late na nga ako sa lessons eh. Kainis naman kasi yang si Frank. :3
