Unexpected [30]

690 12 2
                                    

 Hello! Haha, sorry kung late. Hope you'll like it. :D

 -30-

CHRISTINE's POV

 "Tin! Halika na dali! Gusto ko na makilala yung irereto mo sakin!" sigaw ni Mica sakin. Nandito pa kase ako sa loob ng CR, nagbibihis. 

 "Teka nga! Maghintay ka dyan. Atat ka ah." hindi sya masyadong excited noh? -___- *note the sarcasm please!* 

 "Kase naman eh!" tapos tumahimik na sya. 

 Nung natapos ako, lumabas na 'ko ng CR. 

 Ay shet, kaya pala hindi na sya nag-iingay dahil pinapakielaman na nya yung phone ko!

 "Hoy! Akin na yan." hindi nya 'ko pinansin, patuloy pa rin sya sa paghalungkat. "Mica, isa." 

 "Dalawa." sabi nya.

 "MICA! AKIN NA NGA YAN!" hinablot ko sa kanya yung phone ko. Pagkakita ko, andun sa call logs. 

 "Ikaw Tin, umamin ka nga. May relasyon ba kayo ni Frank?"

 Nanlaki yung mata ko sa tinanong nya. 

 Okay.

 Bakit pumasok sa isip nya yun?

"The hell! Mica! Anong pinagsasabi mo dyan?" nakakaloka sya ah. 

 "Sagutin mo na lang kase ako. Oo o hindi?"

 "HINDI." 

 "Eh bakit ang dami nyang tawag sayo? Kayo ha!"

 "Porke madaming tawag, may relasyon agad?!"

 "Kpayn. Tara na nga! Kanina pa kita hinihintay eh!"

 "Oo na."

 Lumabas na kami ng bahay. 

 Kung titingnan nyo kami, para kaming hindi magbestfriend. Why? Kikay na kikay ang mga sinusuot ni Mica. Simple lang yun akin. Si Mica, naka-headban, naka-hills, may hikaw at kung ano-ano pang abubot ng babae. Ako, t-shirt lang, pants, rubber shoes at nakapuyod ang buhok. 

 "Teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ni Mica.

 "Ayan, atat na atat pero hindi alam kung saan pupunta." sabi ko. "Basta, ako na bahala."

 "Teka, gwapo ba yung irereto mo sakin?"

 Nagkibit-balikat ako.

 "Mabait?"

 Again, nagkibit-balikat ako.

 "Cute?"

 Hindi ulit ako sumagot.

 "Ideal boyfriend?"

 Hindi na naman ako sumagot.

 "ANU BAA CHRISTINE! BAKIT AYAW MONG SUMAGOT?!" sigaw nya.

 Pinagtitinginan ho kami ng mga tao dito. Naglalakad kami papuntang terminal eh. 

 "Sino ka? Hindi kita kilala." pang-iinis ko sa kanya. Baka kase mapagkamalang maluwag ang tornilyo ni Mica, madamay pa 'ko. Hahaha.

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon