-Epilogue-
FRANCIS’ POV
“Lagi talaga kayong late ano?” pabirong sabi ni Nash.
“Sorry naman ha.” Sagot ni Ella ng natatawa.
Pumasok na kami sa loob ng bar sa exclusive tonight para saming magbabarkada. Bonding time since aalis si Ella at pupuntang Paris for 2 days dahil doon ishoshoot yung bago nyang commercial. Bukas na ng gabi ang alis nya. Astig noh? Commercial lang, Paris na agad.
Buti pala free kaming lahat. Kumpleto kami eh.
May isang table dun na kasya naman saming walo. Ako, Francis, Nash, Lexi, Sharlene, Jairus, Kath at Daniel.
Pinasimulan ni Daniel yung kantahan. Pumunta sya sa harap at kinuha yung gitara na nandun sa gilid.
“Nakaupo sya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libo-libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa iyo..”
Nagtilian naman yung mga babae dahil kay Kath nakatingin si Daniel habang kumakanta.
“Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana’y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit kundi lang sa lalaking kayakap mo
Dalin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay kitang pagsisilbihan
Oh aking prinsesa..”
Hindi na tinapos ni Daniel yung kanta dahil baka mamatay sa kilig ‘tong mga babae ‘to. Hahaha, natatawa na lang kaming mga lalaki sa kanila. Mga babae talaga, ang hilig kiligin kahit sa simpleng bagay lang.
Sumunod naman ako na pumunta sa harap at hinawakan yung mic. Hindi ako marunong maggitara eh kaya inarkila ko muna si Daniel.
“Ehem.. ehem.. mic test, mic test.” Sabi ko doon sa mic. “Alam kong sintunado ako, wag nyo nang ipamukha ha?”
Nagtawanan naman sila.
“Eh baba na bro! Ako muna!” sigaw ni Jairus don.
“Heh! Tumahimik ka. Ako muna.” At binelatan ko sya.
Nagsimula namang maggitara si Daniel.
“’Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
‘Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin...”
Kay Ella lang ako nakatingin habang kumakanta. Nakangiti lang sya at nakatingin din sakin.
“Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid