Here we go! Sorry kung ngayon lang naka-UD. Wala kase kaming computer, ngayon lang ulit nagkaron. Sorry sa mga naghintay. Eto na pooooo~
-28-
FRANK's POV
"Oyy! Bakit ka ba nagdadabog dyan ha?" sabi sakin ni Edd.
"Nagdadabog ba 'ko? Hindi naman ah." pagmamaang-maangan ko.
"Tigilan mo 'ko sa ganyan mo Frank. Halata kaya. Tingnan mo oh, gusot-gusot na yung script mo." at tinuro nya yung script ko na nasa sahig na at gusot na nga.
"Tsk. 'Wag mo na nga akong pansinin."
"Ano ba kaseng nangyari? Hindi pinagbabawal magshare."
"Wala."
"Naglilihim ka na ganun? Sabihin mo na kase! Parang hindi tayo magkaibigan nyan eh!"
"May umaaligid kay Christine." sabi ko.
"SABI KO NA NGA BA EH!"
Binatukan ko nga.
"Wag ka ngang maingay!"
"Sino naman umaaligid dyan sa Christine mo?"
"Sino pa? Edi yung Jeremiah Lee na yun."
"ANO?! Eh mas gwapo ka naman dun."
"Pusha, bakla ka na ba? Kadiri ka."
"Oyy hindi ah! Wala lang akong girlfriend sa ngayon."
"Psh. Bagal mo kase."
"Ihanap mo naman ako!"
"Ewan. Dumiskarte ka ng iyo."
Maya-maya, dumating na si Manager Bry.
"Oh, anong pinag-uusapan nyo?"
"Si Frank kase Manager. Na---" bago pa nya masabi, tinakpan ko na yung bibig nya.
"Ahh. Wala! Nagpapahanap lang sya ng girlfriend sakin." sabi ko naman.
Napakadaldal talaga neto kahit kelan eh.
"Ahh. Sige, maiwan ko muna kayo ha." at umalis na ulit si Manager.
