Sorry kung late ulit. Huehue. Busy po sa studies eyy. :D
-29-
CHRISTINE's POV
"Oh my god kuya, sino yan?" nabulalas ko agad pagkakita ko dun sa picture na hawak nya.
No.
Ugh. Bakit kamukha nung nasa picture yung nakasalubong kong babae kahapon?
"Ahh.. E-Eto? Wala. N-Nanay ng kaklase ko." sagot ni Kuya na nauutal-utal.
"Ha? Nanay ng kaklase mo? Eh bakit napunta dyan?"
Ano yun, naglalakad? Shems. Iba na talaga mundo ngayon.
"Naggroup work kase kami dito ng mga kaklase ko nung isang araw. Bka nalaglag 'to nung isa. Medyo clumsy din kase yun eh."
"Ahh. Ganun ba. Okay."
Pero parang hindi pa rin ako satisfy eh. Parang naguguluhan pa rin ako.
Nevermind. Nanay yun ng kaklase ni Kuya. Okay.
"Mag-ayos ka na. Malalate ka na oh." sabi nya.
"Ay oo nga pala!" at tumakbo na 'ko sa kwarto.
*****
"TIN!"
"Ay kalabaw na palaka!"
"HAHAHA!"
"Kainis ka naman, Mica eh!"
"Tinawag lang naman kita ah."
"Tawag ba yon? Tch."
"Oh relax lang. Kaw naman, parang hindi ka na sanay sakin."
Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad, sumabay sya.
"Oo na. Eh bakit ka ba napasugod ha?"
"Wala naman. Sabay na tayo punta canteen. Gutom na 'ko!" at hinila na nya 'ko.
Baliw talaga 'tong isang 'to. Walang ginawa kundi kumain. Sabagay, gutom na din ako. Lunch time na ho kaya.
Um-order na kami ng pagkain.
Guess what?