-20-
CHRISTINE’s POV
“Joke lang naman. Sa totoo nga eh, nagandahan ako sayo nun.”
Seryoso ba sya? Teka, parang nag-iinit yung mukha ko. Tae, kinikilig ata ako. >/////<
“Alam mo ikaw, nantitrip ka na naman eh!” sabi ko na lang para hindi halatang namumula ako.
“Tss. Ayaw mong maniwala? Edi ‘wag.” At nauna syang naglakad.
“Tch, bipolar.”
“Anong sinabi mo?!”
“Wala!”
At naglakad-lakad na lang kami sa buhanginan.
*****
Andito ulit ako sa terrace ng rest house. Kakarating lang namin dito galing sa paggala namin ni Frank kanina. Nakakapagod nang maglakad nang maglakad eh pero sulit naman sa kwentuhan saka nabusog yung mata ko sa ganda ng tanawin na meron ang lugar na ‘to. Kung pwede lang na dito na ako tumira edi sana hindi na kami uuwi bukas.
Biglang may nagtext kaya tiningnan ko agad yun.
Fr: Jeremiah~
Hi Tin-Tin. :)
Simula nung tumawag sya sakin eh sinave ko na yung number nya sakin.
Nagreply naman ako agad.
To: Jeremiah~
Hello Jeremiah. :D
Fr: Jeremiah~
Kamusta ka naman dyan?
To: Jeremiah~
Okay lang naman. Ikaw ba?
Fr: Jeremiah~
Okay lang din.
After that, hindi ko na alam yung irereply ko. Feeling ko nga, para lang syang ordinaryong tao na katext ko. I mean, yung bang mga lagi kong nakakatext ganun. Oo, masaya ako na nakakatext ko ang isang Jeremiah Lee. Parang hanggang dun na lang yun. Kung tutuusin, dapat akong magtatalon dito sa tuwa dahil yung nakapagwapong Jeremiah eh nakakatext ko pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Swerte pa nga ako kesa sa ibang fans nya.
Nakakapagtaka lang kase hindi naman ako artista, isa lang akong hamak na assistant slash alalay ni Frank, eh bakit nya ako tinetext? Pfuuu~ Nakakaloka isipin ang mga ganyang bagay. =__=
“Ang lalim ng iniisip natin ah.”
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Tita Joyce pala.
“Ikaw po pala, Tita.” Sabi ko at ngumiti. Umupo naman sya sa tabi ko.
“Anong iniisip mo dyan? Mukhang malalim eh.” Tanong nya. “Mapagkakatiwalaan ako. I can give you advices.”
Tumango naman ako.
“Si Jeremiah po kase, nagtetext sakin.”
Nanlaki yung mata nya.
“You mean, si Jeremiah Lee sa kabilang network?”
“Opo.”
