Unexpected [23]

742 13 4
                                    

 Yang nasa gilid po na picture, si Mica at Edd. Mica na Bestfriend ni Christine at si Edd na co-star/bestfriend ni Frank. :)

 -23-

 CHRISTINE’s POV

 “Wag kang maniwala dyan, Christine. Pinuntahan ka talaga namin dito..

 ..natotorpe kase si Frank.”

 Napasimangot ako dun. Natotorpe? =_=

 “Natotorpe? What do you mean?” tanong ko.

 “Ka---“ pinutol na naman ni Frank si Manager.

 “Wala! Sige, alis na kami! Babye!” sabi ni Frank at tinapik si Manong. Maya-maya din ay umalis na sila.

 Okay.

 What was that? Bakit nagkaganun yun? Tch.

 “AHHHHHHHHHH!” nagulat ako sa pagsigaw ni Mica. Napatingin ako sa kanya.

 “Huy! Anong nangyayari sayo?!”

 “Ayieeee! Kinikilig ako sa inyo!” sabi nya at nagtatalon.

 Napakamot ako sa ulo ko, “At bakit ka naman kinikilig ha? Para kang baliw dyan.”

 Seriously, wala akong idea kung bakit sya kinikilig.

 “Ano ka ba naman Tin-Tin! Tanga ka lang ba talaga o manhid?”

 “None of the above?” patanong kong sagot.

 “Argh! Mababaliw ako sa kamanhidan mo Tin!” sabi nya at napasabunot sa buhok nya.

 “Ay ewan ko sayo babae ka. Umuwi ka na nga at baka hinahanap ka na sa inyo.”

 “Tss. Basta, alamin mo yung mga nangyayari ha? Hindi yung nagmamanhid-manhidan ka! Baboosh!” at naglakad na nga sya palayo sakin.

 Hay. Ang dami talagang alam ni Mica.

 Ano ba yung sinasabi nya? Anyone? Paki-explain nga. Chos.

 Pumasok na nga ako sa bahay.

 Ako lang mag-isa dahil nasa school pa si Kuya at nasa trabaho si Daddy. Nagbihis ako ng pangbahay at umupo sa sofa. Nagsimula na ulit akong magsulat ng notes habang nakabukas ang TV. NagTV pa ‘ko kung hindi ako manunuod no? Shunga ko lang. Pero hinayaan ko na syang nakabukas, maririnig ko naman eh.

 Patuloy lang ako sa pagsulat hanggang sa mapatingin ako sa TV. Eksakto namang kakasimula lang nung show nina Frank. Ang title eh “Teenage Dream”. Puro kase sila Teenager. Tapos sa kanilang lahat iikot yung kwento.

 Hindi ko alam pero hindi ko na muna pinagpatuloy yung pagsusulat ko at tumutok sa TV. Parang may inaabangan ako. Hindi ko lang alam kung sino.

 Tapos biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Hala, anyayare? The next thing I knew, pinapanuod ko na si Frank sa TV. May scene na sya.

 “Hoy!” nabitawan ko yung ballpen na hawak ko dahil sa nanggulat na yun.

 Napatingin ako sa kanya. At..

 “KUYA DIM! LANGYA KA TALAGA!” tumakbo sya papuntang kusina. Papatalo ba ‘ko? Hinagad ko sya hanggang sa makabalik kami ulit dito sa sala.

 “HAHAHA!” tawa nya at umupo sa sofa.

 “Ugh. Bakit ka ba kase nanggugulat ha?!”

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon