Unexpected [9]

799 13 1
                                        

 Sorry for changes. Nung nagback read ako para mag-UD sa chapter 10 eh nakita kong isang page lang 'to at putol. Eh hindi ko na natandaan yung ibang sinulat ko last time dito kaya may changes po. Sorry.

 -9-

 CHRISTINE's POV

 "Kuya, may number ka ni Cynthia?" bigla naman akong nacurious kaya tinanong ko kay Kuya yan. Andito kami sa dining table at nagbebreakfast. 

 "Bakit mo naman natanong?" masungit nyang sabi. Psh. Nahahawa na ba 'to sa kasungitan ni Frank? -____- 'Wag naman sana.

 "Wala lang. Masamang magtanong?" sagot ko.

 "Tumahimik ka na lang." sabi nya. Pero makulit talaga ako eh.

 "Ano nga? May cellphone number ka nga ni Cynthia?" tanong ko ulit.

 "Oo nga!" finally, sumagot din ng matino. Pero wait! May number nga sya?!

 "Totoo kuya? Weh?" paninigurado ko.

 "Nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala." sabi nya at tumayo na at dinala yung plato sa lababo. Tinapos ko naman agad yung pagkain ko at sinundan sya. 

 "Penge ako kuya!" oo, hihingin ko talaga. 

 "At bakit naman ha?" tanong nya.

 "Wala lang. Dali na!" pagpilit ko.

 "Hoy Tin-tin! Tomboy ka ba?!" at pinagmasdan nya ako. Para bang iniimbestigahan nya yung bawat details ng mukha ko. 

 "Hindi ah! Ako? Magiging tomboy?" tanggi ko. Hindi naman talaga. Pormang boyish lang talaga ako pero pusong babae ako. 

 "Eh kung hindi ka tomboy, sino crush mo ha?!" nakakaloka ang tanong ni Kuya. -_-

 "Tin-tin!" biglang sigaw ni Daddy kaya naman kumaripas ako ng takbo papunta sa kanya. You're my savior talaga Daddy! Nakaligtas ako sa mapang-asar na tanong ni Kuya.

 "Po?" tanong ko nung nasa tabi na nya ako. Nakaupo pa rin sya habang may hawak na dyaryo at ako eh nakatayo sa gilid nya. Pinakita nya sakin yung dyaryo. 

 Tiningnan ko naman yun. At nanlaki ang mata ko sa nakita ko. WHAT? PATI BA NAMAN SA DYARYO NANDITO TO?!

 "Aha! Sino sa dalawang yan ang crush mo ha?" tanong ni Kuya na nasa likod ko pala. Akala ko makakaligtas ako kay Kuya, hindi pala. :3

 Oo, yung pinakita sakin ni Nikki kahapon, yun yung picture na nakalagay dito sa dyaryo. Who's this lucky girl? We spotted this scene in front of the high school where this girl belong. Ayon sa mga fans  ni Jeremiah Lee na nasa harap ng school na iyon ay tinawag daw ni Jeremiah itong babaeng ito. Kasabay noon ang pagtawag din ni Frank sa babaeng iyon. 

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon