Unexpected [21]

723 14 2
                                        

  Dedicated sa kanyaaaaaaaaa. *O*

  -21-

 FRANK’s POV

 

 I kissed her on the lips. Syempre smack lang.

 Nung nilayo ko na yung mukha ko sa kanya, gumalaw naman sya sa pagkakahiga nya. Mukhang didilat na sya kaya naman nataranta ako at hindi alam ang gagawin.

 Hala! Baka mahuli nya ‘ko. Teka, alam ko na!

 Pumunta ako sa ilalim ng kama nya. Hindi naman medyo maalikabok dito kaya pwede akong magtago. Pansamantala lang naman. Naramdaman kong umupo sya sa kama nya.

 “Ano ba yan, naalimpungatan ako.” Narinig kong sabi nya.

 Nakita ko na yung paa nya na nasa sahig.

 “Ugh, nasaan ba yung tsinelas ko?” sabi pa nya.

 At ngayon ko lang nakita na nasa harap ko pala yung tsinelas nya, medyo nakatago. Naknang! Patay na talaga ako.

 Yumuko sya at sumilip sa ilalim ng kama. Nagtama ang paningin namin.

 “AHHHHHHHHHHHHHHHH!”

 “WAAAAAAAAAAAAAAAH!”

 

 “Bakit ka nandyan? Anong ginagawa mo dyan?!” gulat na gulat nyang tanong.

 CHRISTINE’s POV

 

 “Ano ba yan, naalimpungatan ako.” Nag-unat ako. Para pa ngang may dumampi sa labi ko na something. Ewan ko ba! Insekto lang siguro yun. Makapag-toothbrush nga ulit mamaya.

 Hinanap ko yung tsinelas ko pero wala kaya sumilip ako sa ilalim ng kama.

 Teka, parang may tao.

 “AHHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko.

 

 “WAAAAAAAAAAAHHHHH!” sumigaw din sya.

 Nilabas nya yung ulo nya sa kama.

 “Bakit ka nandyan? Anong ginagawa mo dyan?!” tanong ko.

 Mukha namang nataranta sya.

 Eh sino pa ba? Edi si Frank. -_- Lumabas na sya sa ilalim ng kama at pinagpag yung damit nya na nalagyan ng konting alikabok.

 “Ano bang ginagawa mo sa ilalim ng kama?” nagtataka kong tanong.

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon