-18-
CHRISTINE's POV
"Alam mo ba dati, umiihi pa yang si Frank sa salawal nya kahit nasa elementary na sya." pagkukwento sakin ni Tita Joyce, yung nanay ni Frank. Grabe, kanina pa ako tawa ng tawa.
"Talaga po? Hahahahahaha!"
"Oo. Tapos kapag umaga, nakikita ko na lang yung bed sheet ng kama nya eh basa na dahil umihi din sya." halatang pinipigilan ni Tita Joyce ang tawa nya.
"Hahahahaha! Grabe pala sya. Hahahahaha!"
"Ang ingay naman!" naiiritang sigaw ni Frank mula sa sala. Andito kase kami ni Tita sa terrace nila. Rinig na rinig ba yung tawa ko? =_=
"Wag mo nang pansinin yan." sabi ni Tita. "Oh wait, magluluto lang muna ako ng tanghalian natin ha? Maiwan muna kita dyan. Ituloy na natin yung kwentuhan mamaya."
"Sige po. Gusto mo po tulungan ko na kayo?"
"Hindi na iha. Dyan ka na lang. Okay?"
"Okay po Tita."
At pumunta na nga sa kusina si Tita Joyce. Hay, ibang-iba talaga ang ugali ni Frank sa nanay nya. Mantakin mo, makwento yung nanay nya pero sya? Ang tipid sumagot. Tapos magagalit pa kapag tanong ako ng tanong. Si Frank, masungit. Yung nanay nya, approachable. Saan pa 'ko diba?
"Stop comparing my mom to me."
"Ay comparing butiki!" napahawak ako sa dibdib ko. Grabe 'tong si Frank. "Bakit ka ba kase bigla-biglang sumusulpot?"
Teka, mind reader ba sya? Bakit nya nalamang pinagcocompare ko sila ng nanay nya? Aba! I'm just stating the truth. Duh.
Nakita ko naman syang nagpipigil ng tawa.
"Ohh? Bakit ka tumatawa dyan?"
"Hindi ako tumatawa. Nagpipigil pa lang."
"Pilosopo, tch."
"Eh paano kase, muntikan ka ng mahulog dyan sa kinauupuan mo. Tapos yung sinabi mo pa yung nagulat ka. Hahahahaha!" at humagalakpak na nga sya ng tawa.
"Ha ha ha ha. Fany."
Patuloy pa rin sya sa pagtawa.
"Tss."
At umalis sya ng nakahawak sa tyan ang mga kamay dahil tumatawa pa din sya. Ano ba kaseng nakakatawa dun? Baliw talaga eh.
Naiwan nga ako dun sa terrace. Tumingin na lang ako sa langit at pinagmasdan ang mga stars. Ang kukulay nila. *u* Ganyan din kaya kakulay yung mundo ko kung hindi ako iniwan ng nanay ko? Kung hindi sya sumama sa ibang lalaki? Kung talagang minahal nya si Daddy at kung mahal nya kami, sana hindi nya kami iniwan ng basta-basta.
Ang swerte talaga ni Frank. Buti pa sya may nanay. Buti pa sya may nanay na nagsasabit ng medal kapag nagkaka-award sya sa school. Buti pa sya may nanay na hinahatid-sundo sya sa school nung bata.
Ako, hindi ko man lang naranasan yun sa nanay ko. Wala eh, iniwan nya kami. Wala akong magagawa dun. And if ever, she will come back. I won't let her ruin our life again. Hinding-hindi na.
Bigla namang tumunog yung phone ko na hawak ko lang.
Calling..
0918****091
Ano ba yan! Panira ng moment. Nagdadrama ako dito eh. Nung sasagutin ko na sana yung phone eh biglang may tumulong something sa phone ko..
..na galing sa mga mata ko.
Hinawakan ko naman yung pisngi ko at umiiyak pala ako? Nubeyen, ni hindi ko man lang naramdaman.
Sinagot ko na nga yung tawag kahit unknown number yung tunatawag.
"Hello?"
[Ah Hello. Christine Davis? Is that you?]
"Oo. Bakit? Sino ka?"
[Ako 'to, si Jeremiah.]
"Ohh! Jeremiah? As in, si Jeremiah Lee?"
Hindi talaga ako makapaniwala. As in si Jeremiah Lee? Tumatawag sakin? OMG. :">
[Yeah. As in si Jeremiah Lee.]
"Oh my gosh! Bakit ka napatawag?"
[Wala lang naman. Teka, iyong number ba 'to?]
"Oo. Akin."
[Ahh. Eh sino yung nagreply sakin kanina? Nagtext ako sayo eh.]
"Ha? Nagtext ka? Anong oras?" wala akong natatandaang nagtext sya sakin.
[Mga 5am siguro nun.]
"Ano? 5am? Ang aga naman." napaisip naman ako.
Saan ba nakalagay yung phone ko kaninang 5am? Uhm..
AHA!
Nasa kama ko yun. Iniwan ko sa kama ko nung naligo ako dahil magjojogging kami ni Frank.
"Ahh oo naalala ko na. Nung naiwan ko sa kama ko kanina."
[Ahh. Sige. Eh sino yung nagreply? Ang sabi kasi sa reply, hindi daw si Tin-tin yung nagmamay-ari ng number na yun, wrong number daw ako.]
Sino ba yung naiwan dun?
Whuuut?! Si FRANK UNG NAGREPLY?!
"Wait lang Jeremiah ah. Baba ko muna 'tong phone ko, tawagan ulit kita mamaya." binaba ko na yung phone agad.
"FRANK AUSTIN SANTIAGO! HUMANDA KA SAKIN!"
