Hello! I'm back. Ngayon lang po nagawa yung computer. Pasensya sa sobrang late na update. Almost 2 months akong hndi nag-UD. Sorry talaga guys. Saka busy din po sa school. =)
-34-
CHRISTINE's POV
Alam nyo bang ang tagal mag-update ni Author? lol
Ayun, napag-isip-isip ko na lumayo muna. Lumayo muna sa magulong mundong 'to. Simula nung nakilala ko si Frank, nagulo na buhay ko. Nawala na yung dating tahimik na buhay ko. Nagbago na lahat. Pero hindi ko naman pinagsisisihan yun. I know na mas naging meaningful yung buhay ko nung dumating sya. K, andrama.
"Sure ka na bang doon ka muna sa Lola mo sa probinsya?" Daddy.
"Oo naman Daddy. Sure na ko. Alam mo naman po yung dahilan diba?"
Tumango sya, "Naiintindihan kita 'nak. Pasensya na kung hindi ako makakasama sayo ha? Kailangan kong magtrabaho eh."
"Okay lang po. Naiintindihan ko din po kayo."
"Sige, alis ka na. Baka mahuli ka pa, alam mo naman yung Lola mong yun, mainipin."
"Haha. Oo nga eh. Sige po. Bye Daddy. Ingat ka dyan. Wag mangchichicks ha? Malilintikan ka sakin."
"Oo naman! Haha. Wala nang babae sa buhay ko kundi ikaw." kiniss nya ko sa noo. Si Daddy talaga. Haha
Ayun, sumakay na ko sa van. Ihahatid lang ako ni Kuya sa bus station pero hindi sya sasama. Alam nyo naman yon, may pinopormahan. Hindi nya maiwan. Saka kaya ko naman sarili ko. I'm old enough.
Habang nasa byahe.
"Malaki ka na talaga Tin-Tin. May paganyan-ganyan ka nang nalalaman." biglang nagsalita si Kuya.
"Sus, Kuya naman. Syempre ayaw ko lang ng gulo noh."
"Ayaw ng gulo o ayaw mahulog ng tuluyan?"
Napatahimik ako sa tanong ni Kuya.
Ano nga ba?
"Ewan ko kuya. Basta gusto ko munang lumayo."
Hindi na sya umimik. Maya-maya eh nakadating na rin kami sa bus station. Nagpaalam na ko kay Kuya.
"Mag-iingat ka dun ah? Anytime pwede akong sumunod dun." Kuya.
"Opo. Haha! Ingat din kayo. Bye!"
Pumasok na ko sa bus station para bumili ng ticket.
Nang biglang may tumawag sakin..
"CHRISTINE DAVIS!"
Napalingon ako.
Shems, anong ginagawa nya dito?!
Binilisan ko yung lakad ko. Pero wala, naabutan nya ko. Hinawakan nya ko sa braso.
"Christine, hindi mo ba ko naririnig?" sabi nya.
"Ano bang kailangan mo?! Bakit ka nandito?! Paano mo nalaman na nandito ako?!"
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka?"
"Sino ka ba ha? Kailangan ko pa bang magpaalam sayo kung aalis ako o hindi?"
"Baka nakakalimutan mo na assistant pa rin kita?"
"Hindi pa ba tapos yun?! Alam mo bang pagod na ko ha?! Simula nung dumating ka sa buhay ko, nagulo na lahat! Hindi na matahimik yung buhay ko! Gusto ko lang namang lumayo dahil nagkaron na naman ng bagong issue. Saka alam ko namang hindi mo iiwan yang career mo dahil lang sa isang babaeng tulad ko. Alam kong mahal na mahal mo yang career mo. Kaya please, leave me alone. Hindi makakatulong sayo na lagi kang dumidikit sakin. Baka masira yung career mo."
Iniwan ko na sya dun. May sinabi pa sya pero hindi ko na narinig.
Kailangan ko yung sabihin lahat para tigilan na nya ko. Ayoko na. Pero nakaramdam ako ng guilt. Parang may kumurot dito sa puso ko.
Pagkabili ko ng ticket eh sumakay na agad ako.
Tama nga talagang magbakasyon muna ako sa probinsya.
FRANK's POV
"Hindi pa ba tapos yun?! Alam mo bang pagod na ko ha?! Simula nung dumating ka sa buhay ko, nagulo na lahat! Hindi na matahimik yung buhay ko! Gusto ko lang namang lumayo dahil nagkaron na naman ng bagong issue. Saka alam ko namang hindi mo iiwan yang career mo dahil lang sa isang babaeng tulad ko. Alam kong mahal na mahal mo yang career mo. Kaya please, leave me alone. Hindi makakatulong sayo na lagi kang dumidikit sakin. Baka masira yung.. yung career mo.."
Tumalikod na sya at naglakad.
"Mahal kita Christine."
Hindi nya narinig yan. Dahil umalis na sya.
Bakit ba kase nasali yung career ko dito? Pucha.
"Frank! Ano bang ginawa mo ha?! Buti na lang maaga pa at walang masyadong nakakita sa inyo. Tsk. Halika na nga!" sabi sakin ni Manager.
"Bitiwan nyo nga ko! Ano ba!"
Naglakad ako palayo.
Nung isang araw lang, ang saya-saya namin. Pero bakit ngayon, parang nawala lahat ng pinagsamahan namin?
MR. DAVIS' POV
Pagkaalis nina Christine, may napansin akong gumalaw dun sa isang gilid. Tiningnan ko yun at..
"Christina?!"
Natigilan yung babaeng tinawag ko. Nakatalikod sya pero alam na alam ko pa rin na sya yan.
Tumakbo sya pero hinabol at pinigilan ko.
Pinaharap ko sya sakin.
"Christina.. ikaw nga.."
Sya si Christina, walang iba kundi ang tanging babaeng minahal at minamahal ko.
"Dimitrio.." tumungo sya.
Hinawakan ko yung baba nya at tinaas.
"Kamusta ka na? Napakatagal na bago yung huli nating pag-uusapn. Ano nang nangyari sayo?"
Kahit iniwan nya kami, mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal.
_______________
Hii! Sino yung bagong character? Ang dali lang naman hulaan. Haha! Kung sino una makahula, sa kanya dedicated next chapter. :) Sorry kung maiksi. :D
