-37-
CHRISTINE's POV
"Buti naman at nagising ka na, Tin." sabi sakin ni Tita pagkababa ko galing kwarto. Patanghali na pala pero kakagising ko lang. Nanunuod sya ng TV don.
Hindi lang naman ako pinatulog ni Frank. Hindi dahil sa katawagan ko sya the whole night kundi iniisip ko kung mahal ko na ba sya o hindi. Nung medyo late na saka ko narealize na kusa pala yun nararamdaman at hindi kailangang pag-isipan. =___=
Hay Christine, talagang late ka na sa mga gantong bagay. You're so tanga.
"Sorry po. Hehe." sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Okay lang noh. Eh bakit nga pala late na gumising? Late ka na din ba natulog? Anong ginawa mo?" Tita
Okay, so hindi po sya masyadong tsismosa. Hehe
"Wala naman po." sagot ko. Para safe.
"Asus! Siguro may katawagan ka ano? Sino yon ha? Si Frank ba? Ayieee!" Tita
=___________=
Daig pa nya ang teenager kung mang-inis.
Saka pano nya nalaman na si Frank?
"H-Ha? Pano nyo po nasabi?"
"Alam mo naman ang mga kabataan."
"Hay nako Tita, 'wag nyo na lang po ako pansinin. Haha. Breakfast lang po ako ah." at dumiretso na 'ko sa kusina.
*****
Nung medyo hapon na, naggala naman ako sa labas ng bahay. May nakita akong bilihan ng scramble at bumili ako.
Wala pa rin namang pinagbago 'tong lugar na 'to. Still peaceful.
Nagulat ako nung may nakabangga ako. At natapon ho sa kanya yung hawak kong scramble.
Shems.
"Sorry po sorry po! Hindi ko po talaga sinasadya." sabi ko. Nakatungo lang ako at hindi ko pa sya nakikita. Waiting for his response. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kalahati nyang katawan.
Lalaki. Mukhang malaki yung katawan. Parang familiar pa nga yung katawan nya eh. Uhm.. may abs kaya 'to? lol ayoko munang lumandi.
"Christine?"
Teka, kilala nya 'ko? -.-
