Unexpected [39]

581 15 3
                                        

-39-

FRANK's POV

"ALAM MO ANG EPAL MO TALAGA! LUMAYAS KA NGA SA HARAP KO!"

"ABA BA'T AKO YUNG LALAYAS?! IKAW! NAKAKASUKA PAGMUMUKHA MO! ALIS!"

"EH SINO BA NAGDALA SAKIN DITO? DIBA IKAW? OH HATID MO KO SAMIN! TAPOS UMALIS KA NA!"

"ANO KA SINUSWERTE?!"

"HMP!"

Naglalakad-lakad kami ni Christine nang marinig namin yang bangayan na yan. Opo, hindi kami yung nag-aaway. Parang familiar nga yung boses eh. Lumingon kami sa likod para tingnan kung sino yun.

Kaya naman pala.

Si Edd at Micah. Yeah sila yung nag-aaway na parang aso't pusa. Ano na kayang nangyari sa dalawang 'to pagkatapos naming i-set up ni Christine?

Agad naman nila kaming nakita at nagulat.

"Ayy pre anjan pala kayo." Edd

"Oo. Naglalakad-lakad lang. Hindi rin uso sa inyo ang bangayan, ano?" Ako

"Eh pano kase 'tong si Edd! Kung saan-saan ako dinala tapos kokontrahin lahat ng gusto ko!" nanggagalaiting sabi ni Micah.

"Eh pano kase yung mga gusto mo, ang cocorny!" sagot naman netong si Edd.

"Tse! Paki mo ba? Sana kase hindi mo na lang ako sinama! Mas kaya ko namang mapag-isa! At least walang kokontra sa gusto ko!" Micah

"Shut up. Isa pang hirit mo hahalikan na kita." Edd

Nagulat naman si Micah. Tumahimik na rin. Napatingin ako kay Christine at natatawa na lang sa dalawa. Para silang mga ewan. Haha

"Tinding banat pre ah." pang-aasar ko kay Edd.

"Halata namang gusto nyo isa't isa, away pa ng away." Christine

"YAN GUSTO KO?!" Edd/Micah

Nagtinginan kami ni Christine at sabay na sinabing..

"Hayy. In denial stage. Tsk tsk" 

Sinamaan nila kami ng tingin.

"Eh kayo bakit kayo magkasama?" usisa nila.

"Hehe. Mauna na kami ah. Baka naiistorbo namin kayo." Ako

At umalis na kami Christine. Nung medyo nakalayo na kami, 

"HAHAHAHAHAHA!" parehas kaming napatawa. Ewan ko ba. Hahahaha

It's good to see her smile. Natutunaw ako. Shet ang corny.

Sinundo ko pala sya kanina sa bahay nila. Kakauwi nya lang kasi kahapon galing sa probinsya nila. Syempre namiss ko 'tong babaeng 'to.

Nung medyo nakaget over na kami sa kakatawa. Napunta na sa seryosong usapan.

"Mabuti naman at ayos na kayo ng Nanay mo?" 

"Kaya nga eh. Nakapag-usap na kami kagabi. At kinuwento nya lahat sakin. Naintindihan ko naman agad. Saka hindi naman sagaran sa buto yung galit ko sa kanya." 

"Mabuti naman."

"Ay oo nga pala. Sabi sakin ni Mommy kung pwede ba daw na samin ka magdinner mamaya? Gusto ka daw kase nyang makilala." nagulat naman ako sa sinabi ni Christine.

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon