-33-
CHRISTINE’s POV
Fr: Frank~
Nag-enjoy ako kasama ka. Thanks for this day.
PS: Hindi ka pala marunong humalik. Next time, tuturuan kita ha. >:D
“WAAAAAAAAA! ARGHHHHH! KAINIS!” nasigaw ko na lang. Ang yabang nya, shems.
Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“Uy Tin-tin! Anong nangyari sayo?! Bakit ka sumisigaw?!” narinig kong sabi ni Daddy.
“Wala Dad! Nevermind!” sigaw ko pabalik.
“Sure ka ha?”
“Opo. Sorry po sa istorbo.” Tapos narinig ko na yung yabag ng paa ni Daddy paalis.
Shiiyet, hindi ba talaga ako marunong humalik? Ganun na ba ako ka-late sa modernong mundong ‘to? Charaught.
Bakit ko ba kase hinalikan yon? Ugh. Nakakahiya. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya? What if, hindi na ‘ko magpakita sa kanya? Ah yes, bright idea.
*****
Tiningnan ko yung orasan ko, 10am na pala. Oo nga pala, simula na ng sembreak kaya hayahay ang buhay ko ngayon. Pwede akong magpuyat at magising ng late.
Agad akong bumaba sa dining para kumain. Nakita ko dun si Daddy. May pasok pa sina Kuya ngayon, last day. Bukas sembreak na din nila.
“Oh ‘nak, halika. Kain na.” hinainan ako ni Daddy ng plato at ng ulam. Tapos na siguro syang kumain, late na po kaya.
“Thanks, Dad. Ikaw po? Nakakain ka na?” tanong ko habang umuupo.
“Oo, kanina. Kasabay ng kuya mo. Tulog mantika ka talaga kahit kelan eh noh.” Sabi nya at ginulo yung buhok ko.
“Dad, my hair.” At inayos ko yung buhok ko.
“Nako ikaw ha. Ayaw na ayaw mo nang nagugulo yang buhok mo. Eh dati naman, kahit ata magmukha ka nang loka-lokang pagala-gala dyan sa kanto eh wala kang pakielam. Siguro may crush ka na noh? Yiieee!” mang-asar daw ba? =__=
Lakas talaga maka-teenager ng tatay ko eh. Parang hindi matanda kung umarte. Haha.
“Aish, wala po noh.” Tanggi ko.
Eh sino ba kase crush ko?
Wala naman ah.
Wala.
I said, wala.
Psh, oo na. Meron na.
Si Frank.
OOPPPPS! That’s a PRANK. Just kidding.
“Deny-deny ka pa. Eh ano yung nasa TV at dyaryo?” napatigil ako sa pagkain at nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Daddy.
What?
TV at dyaryo?
Ano na naman yun?
“Ha? Wait, what do you mean Daddy?” naguguluhan kong tanong.
“Kakabalita lang kaninang umaga, may kumakalat na picture na magkasama kayong dalawa ni Frank sa labas ng isang stuff toy shop. Tapos sa dyaryo din.” Paliwanag nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/4321180-288-k347527.jpg)