Guys, I need you VOTES and COMMENTS po. Thanks~
-8-
CHRISTINE's POV
"'Wag ka sumimangot, lalo kang pumapangit." pambasag ni Frank sa katahimikan. Nandito kami sa taping nya. Hmp! Masama pa rin loob ko sa kanya. >_<
Hindi ako sumagot at patuloy lang ang pagkakalikot sa cellphone ko habang nakaupo sa isang upuan dito. Actually, wala akong ginagawa sa cellphone, palusot ko lang para kunyare may ginagawa ako.
"Hey Christine!" tawag pa nya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at nakatungo pa din. Hindi ko naman pangalan yun, bakit ako titingin?
"Christine naman! Ibili mo ako ng tubig." utos nya. Inabot nya yung pera. Mas mabuti na sigurong sundin ko yung utos nya kesa makita ko pa ang pagmumukha nya.
Kinuha ko yung pera at umalis. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa sya.
Grrr. Naiinis pa rin talaga ako. Kung bakit kase kelangan pa nya akong hilahin palayo kay Jeremiah? Hindi man lang tuloy ako nakapagpaalam. Nakakahiya pa. Ugh. Makakasama ko na sana sya eh tapos may asungot na dumating.
Pagkabili ko, pinuntahan ko sya sa kung saan ko sya iniwan pero wala sya dun. Naisipan kong pumunta sa tent, baka nandun sya. At hindi nga ako nagkamali, nakahiga sya higaan nyang de-tiklop. Yung kayang dalhin kahit saan kaso mabigat dahil gawa sa kahoy. Tulog pala ang mokong. Inilapag ko yung tubig sa table at paalis na sana kaso nahagip ng mata ko yung gwapo--- yung mukha nya. Napatigil ako.
Napatitig ako sa mukha nya. Ang gwapo pala talaga nya. Matangos ang ilong. May dimples, malalim na dimples. Ang cute ng mata nya. Mas mabuti pala kung tulog 'to, nagmumukha syang anghel. 0:)
Tama na nga yan Tin. Masyado mo nang pinupuri ang lalaking yan. Nako, kapag yan narinig, lalaki ulo nyan. Paalis na ako ng bigla nyang hinawakan yung braso ko. Halaaaaa, nananaginip ba 'to? Tiningnan ko naman sya. Bigla syang nagsalita.
"Tin, sorry. Sorry kung ano man yung nagawa ko." sabi nya ng nakapikit. Oh my gosh, ang cute nyang magsalita kapag tulog. Pero 'pag gising, tinutubuan ng sungay. >:)
Mabait pala 'to kapag tulog. Buti hindi inabot hanggang sa pagtulog nya yung taas ng pride nya. Mas mabuti pa lang tulog 'to, nagagawa pang magsorry.
Maya-maya din ay inalis na nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at bumalik sa pwesto nya dati. Oh my goodness, nananaginip nga ang lokong 'to. Nakakaloka sya. Lumabas na din ako ng tent para magpahangin. Napaod siguro si Max dahil sa sunod-sunod na taping nya.
Pagkalabas ko naman, nakita ko si Nikki na papalapit sakin. May hawak syang cellphone, iPhone 4s. Antaray naman pala eh! Nung nasa harap ko na sya, nagpalipat-lipat ang tingin nya sakin at sa cellphone nya.
Anong problema neto?
"Ohh.. So ikaw pala yun." sabi nya at tinaas ang isang kilay.