Unexpected [4]

941 13 1
                                        

-4-

 

CHRISTINE’s POV

 

 “Halika na dito!” masungit na sabi ni Frank. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nya. Pinagmasdan ko yung paligid. Ang daming tao but not totally crowded. Tapos, maraming camera.

 “Ano bang gagawin natin ditto?” tanong ko. Seriously, hindi ko alam yung lugar na ‘to.

 “Artista ako diba? May press conference ako for my upcoming show. Dun ka lang sa gilid ha. Ayokong makikita ka sa camera. Mababasag.”

 Aba! Napakasama talaga ng lalaking ‘to! Grrrrrr.

 Pumasok na sya sa loob ng hotel. Yeah, hotel nga ayon sa nakalagay sa sign sa labas. Sinundan ko sya. Pagpasok pa lang nya, ang dami ng kumukuha ng picture kaya naman nasisilaw ako. Pero sumunod pa din ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa gitna.

 Tumahimik.

 Awkward.

 And then, BOOM. Naalala ko, sa gilid nga lang pala ako dapat. What the hell! Napakashunga mo talaga Tin-tin! You’re so tanga. >_< Agad-agad akong tumakbo papunta sa gilid. Tumungo na lang ako. Tapos, nagsimula na silang umingay ulit at hindi na ako napansin pa. Dagdag kahihiyan na naman yung ginawa ko.

 So ayun nga, nasa gilid lang ako. Maya-maya, may dumating pang isang babae. Ang ganda nya. As in. Para syang anghel na bumaba sa lupa. Wait, I know her. Artista sya eh. Hindi ko lang maalala yung pangalan nya. Familiar kasi yung mukha.

 Sinimulan na yung press con.

 “So, what’s unique in your upcoming show?” tanong nung isang press.

 “Uhm.. Unique po ‘to dahil yung girl which is me, eh nagkaroon ng amnesia. And the guy, Frank, ay maghahabol dun sa girl until it remember all the memories.” Sagot ng babae. Yung totoo? Unique ba yun? Common na nga eh.

 “Eh comfortable naman ba kayo sa isa’t isa, Frank and Nikki?” tanong pa nung isa. Oh.. so Nikki is her name. Ah! Oo, sya nga yung nakikita ko sa tv. Yung laging kontrabida.

 “Oo naman po.” Si Nikki pa din yung sumasagot. All the time na dumating si Frank dito, hindi pa sya nagsasalita.

 “May rumors na you’re dating each other? Is that true?” tanong nung isa pang press. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng room na yun.

 Nagtinginan sila na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata.

 “Yeah. That’s true.” Sagot ni Nikki.

 “H-Ha?” react ni Frank na para bang walang alam. Maya-maya, nakita kong sinipa sya ni Nikki sa paa dahilan para mapasigaw ito. “Aww!”

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon