Unexpected [7]

847 11 3
                                    

 Dedicated po sa kanya. Hihihi. ;)

 -7-

 CHRISTINE's POV

  In fairness, marunong din pa lang ngumiti at magpasalamat 'tong masungit na nilalang na 'to. Akala ko wala sa bokabularyo nya yun at puro pagsusungit lang ang alam nya. Bakit kase hindi nya subukang magpaka-anghel? Mas gugwapo sya dun. 

 Late na rin akong nakauwi sa bahay. Katulad kahapon, wala man lang reaksyon sina Daddy at Kuya sa pag-uwi ko ng late. Nakakapanibago. Di kaya.. Kinidnap ng mga alien ang totoong Daddy at Kuya ko? Tapos nagpapanggap yung mga alien na sila sina Daddy at Kuya? OhMy. Hindi pwede!

 Heh. Tumigil ka sa kabaliwan mo Tin. Tss. Kung ano-ano tuloy ang iniisip ko dahil sa Frank na yun. Bakit kase dumating pa sa buhay ko ang lalaking yan? Psh. 

 Nakahiga na ako sa kama ko at nakatitig lang sa kisame. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Maraming mga walang kwentang bagay ang pumapasok sa isip ko tulad na lang nung nagpasalamat si Frank. Eh ano naman kung nagpasalamat sya diba? Tantanan mo na ang pag-iisip dyan kay Frank, Tin. Matulog ka na!

 Biglang nag-vibrate yung cellphone ko na katabi ko lang. Tiningnan ko naman yun. Oww, may tumatawag pala. Unregistered number. Sino 'to? I answered the call, baka importante eh.

 "Hello?" sabi ko.

 [Hoy!] 

 "Anong 'hoy'? Excuse me, may pangalan ako. Saka, sino ka ba?" 

 [Hindi mo ba sinave yung number ko? Psh.]

 "Eh sino ka nga?"

 [Frank.] 

 "Ahh.. Ayy, hindi kasi ako nagsasave ng number ng kung sino-sino basta-basta sa cellphone ko eh. Pasensya." sinadya ko talaga yun para inisin sya. Seriously, hindi talaga naka-save sakin yung number nya. Ni hindi ko na binuklat yung sulat na binigay nya kung saan nakalagay yung number nya ever since nung binigay nya sakin yun. Pero nandun sa drawer ko. 

 [Kung sino-sino?!] parang nairita sya sa sinabi kong yun. Pinipigilan kong matawa. 

 "Oo. Unli?" 

 [Tss. Wala kang kwentang kausap.]

 "Aba! At ako pa ang walang kwenta eh ikaw naman dyan ang tumawag. Bakit ka ba tumawag ha? Matutulog na yung tao eh." I lied. Hindi pa naman talaga ako matutulog. Wala nga atang balak yung mga mata kong pumikit.

 [A-Ahh.. K-kase..] uh-ohh. Bakit sya nauutal? 

 "Bakit nga?" 

 [Sasabihin ko lang sana na susunduin ulit kita bukas ng hapon, uwian nyo. May taping ako.] diretsong sabi nya. 

 "Yun lang pala. Sana tinext mo na lang ako. Hindi yung nambubulabog ka pa." makikita ko na naman ang pagmumukha neto eh. 

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon