Unexpected [13]

785 16 7
                                    

 Maghanda na kayo sa revelation sa chapter na 'to at sa susunod pang chapters.! HAHAHA. :))

-13-

 FRANK’s POV

 

 “Kamusta naman ang buhay showbiz iho?” tanong ng Papa ni Christine.

 “Okay lang naman po. Maayos naman. Kaso hindi ko po napagpatuloy yung pag-aaral ko eh.” Sagot ko at napakamot sa ulo.

 “Yan ang mahirap. Pero iho, try to study ha. ‘Wag mong pabayaan yan.” Sabi pa ng Papa nya at tinapik ako sa balikat.

 “Sige po.” Sabi ko. “Ayy, oo nga po pala. Ipagpapaalam ko po sana ulit si Christine mamayang gabi---“ naputol yung sasabihin ko kasi nagsalita si Kuya Dim.

 “Bakit?! Gagahasain mo ba yung kapatid ko?!” gulat na gulat nyang tanong.

 “H-Ha? H-Hindi po kuya.” Sabi ko.

 Binatukan naman sya ng Papa ni Christine.

 “Tange naman Dimitri eh. Umayos ka nga. Sa tingin mo ba gagawin yun ni Frank sa kapatid mo? Eh napakabait nyang bata.” Hiya naman ako ‘don. -__-

 “Daddy! Dim itawag mo sakin. ‘Wag Dimitri.” Sabi pa ni Kuya Dim. Ahh, so Dimitri pala true name nya. Parehas sila ni Christine na ayaw tatawagin sa totoong pangalan. Ang kaibahan, maganda naman yung pangalan ni Christine pero bakit ayaw nyang tinatawag sya dun? Yung Dimitri kasi parang noong panahon pa ni Lapu-Lapu. =_=

 “At bakit ha? Ako ang nagpangalan nyan sayo. Ang ganda-ganda nga eh.”

 

 “Ahh ewan! Eh ano ba yung sasabihin mo dapat Frank?” tanong ni Kuya Dim.

 “Ipagpapaalam ko po si Christine mamayang gabi kasi may press conference po kami.” Sabi ko.

 Tumango naman silang dalawa.

 “Ahh.. Sige. Basta, ingatan mo yang anak ko ha.”

 “Oo naman po.” Sagot ko.

 Maya-maya din ay nagpaalam na akong aalis na. Maghahanda pa ako sa press con mamaya. Nung nasa labas na kami ng bahay nila, nakalimutan kong itanong yung kelangan kong itanong.

 “Ahm.. Wait lang po pala. May tanong lang po sana ako.” Sabi ko. Napatingin silang dalawa sakin.

 “Ano yun Frank?” tanong ni Kuya Dim.

 “Bakit po ayaw ni Christine na tinatawag syang Christine?” tumahimik lang silang dalawa at may tinitingnan sa gilid ko.

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon