-38-
CHRISTINE's POV
"PO?! GAGAWIN NYO AKONG ARTISTA?! SERYOSO HO KAYO?!" nasigaw ko dahil sa sobrang gulat ko.
Anong pumasok sa mga isip nila at naisip nila yun? =___=
'Tong mukhang to, mag-aartista? Ni hindi nga sumanggi sa isip ko yan eh.
"Yeah, we're serious Christine. Dati ka pa talaga namin minamanmanan. And we found out na madami kang magiging fans. You have the looks." sabi nung babae.
Hala. Looks daw?
"Ahh.. eh.." napakamot ako sa ulo.
Bumulong naman sakin si Red. Nakapalibot sila sakin. Sina Lolo, Lola, Tito, Tita at yung magkakapatid na kulay lol
"Ate, gora chi na. Eto na chance mo sumikat oh. Wag mo nang tanggihan ang grasya." Red
Naguguluhan ako.
"Ehh. Pag-iisipan ko muna po ha? Pwede?"
"Sure. Tawagan mo na lang kami kapag nakapagdesisyon ka na." at inabot sakin yung calling card nya.
At umalis na sila.
Nakakaloka.
"Ay nako, ang apo ko magiging artista na." Lolo
"Lolo, hindi po. Hindi pa naman po ako nakakapagdesisyon."
"Tapos kapag naging sikat ka na apo, makakalimutan mo na kami." pagdadrama ni Lola
"Hay nako, kayo po talaga. Hinding-hindi mangyayari yun. Dahil hindi po ako mag-aartista."
"Totoo ate? Sayang naman. Ako na lang irecommend mo ate. Magaling naman ako umakting. Pleaseee." Orange
Natawa ako sa kanya kase nagpuppy eyes at pout pa sya. Haha cute
"Haha sige ba. Ako bahala sayo."
"Waaaaa! Thank you ate! I love you na talaga!" at niyakap nya ko.
Napailing habang nakangiti na lang sina Tita at Tito. Wala eh, yun ata talaga ang gusto ni Orange.
*****
Matutulog na sana ako nang may tumawag na naman sa phone ko.
Calling..
Kuya Dim~
Hala. Bakit kaya tumatawag yun? Sinagot ko na agad.
"Oyy kuya bakit ka napatawag?" hindi po uso samin ang 'hi' o 'hello' hehe
[Ahm.. Tin, pwede ba umuwi ka na bukas dito satin?]
"Ha? Bakit naman? May nangyari bang masama?"
[Ahh wala naman. Basta you need to go home. Uwi ka na bukas ha? Please]
"Ahh ehh.. sige sige. Uwi na rin ako agad dyan bukas."
[Sige salamat. Ingat Tin.]
At binaba na nya yung phone. Ano naman kaya problema nun at bigla akong pinauwi? Kung kelan nag-eenjoy na ko dito sa bakasyon ko. =__= hay buhay
Kinabukasan eh nag-ayos na din ako ng gamit at nagpaalam kena Tita.
"Uwi ka na talaga, Tin?" tanong ni Tita
