-6-
CHRISTINE’s POV
“Pwede ko bang malaman kung bakit ayaw mong tinatawag kang Christine?” tanong ni Jeremiah. Andito kami sa lugar na kaming dalawa lang. OhMy! Hindi ako makapaniwalang kausap ko si Jeremiah. Ang gwapo! Tae.
“My Mom left us. Iniwan nya kami para sumama sa ibang lalaki. And you know what? Sya ang nagbigay ng pangalan na yan sakin. Eh sa ayaw kong naaalala ang nanay ko kaya pati yang pangalan na yan eh ibinaon ko na sa limot. I preferred calling me Tin than Christine.” Paliwanag ko.
Tumango-tango naman sya, “Ganun. Sorry.” Napatingin ako sa kanya.
“B-Bakit ka naman nagsosorry?” tanong ko.
“Kase tinawag nga kitang Christine diba? Hindi ko na ulit gagawin.” Tinaas pa nya ang kanang kamay nya.
“Wala na yun.” Sabi ko at ngumiti. “Oh baka hinahanap ka na sa set?”
Napakunot yung noo nya, “Set? Hindi ako kasali sa taping. Magkaibang network kami. Pumunta lang kami ditto para kausapin si Direk.” Paliwanag nya. Uh-oh.. pahiya ako.
“Ahh.. Ganun ba. Oo nga, sa channel 14 ka nga pala.” Ngumiti naman sya. Ugh, nawawala pagkaboyish ko sa gwapong nilalang na ‘to ah.
“Yeah.” Sagot lang nya. Maya-maya ay may tumawag ulit sa kanya. Seems like it’s his assistant. Kaya umalis na sya at nagpaalam sakin.
Nang nawala na medyo yung init ng ulo ko, maya-maya din ay bumalik na ‘ko sa tent kung nasaan si Frank. Naabutan ko sya dun na nakaupo at hawak ang cellphone, nakakunot pa ang noo. Nang maramdaman nyang pumasok ako sa tent at nilingon nya ako.
“Oh. Mabuti naman at naisipan mong bumalik?” masungit na sabi nya.
“Nagpahangin lang.” sagot ko.
“Ako nga hindi ko magawang magpahangin ikaw pa? Sosyal mo ah.” Sabi pa nya.
“Pwede ba kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang?” nanlaki yung mata nya sa sinabi ko.
“Aba! Sumosobra ka na ha! FYI, slave lang kita.” Napatayo pa sya.
“Bakit, porke utusan mo ‘ko hindi na kita pwedeng barahin?” sabi ko at inirapan sya.
Eksakto namang may pumasok sa tent na staff at tinawag si Frank.
“Frank, ikaw na ang next scene. Punta ka na dun.” Sabi nung staff at umalis na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/4321180-288-k347527.jpg)