Unexpected [1]

1.6K 23 0
                                        

 -1-

 CHRISTINE's POV

 "Arggh! Nakakainis talaga yung lalaking yun! Bwiset!" irita kong sabi kay Mica.

 "Eh sino ba kasi yung lalaking yun?" 

 "Hindi ko nga kilala eh. Pero nagsho-shooting sila nung araw na yun." mahinahon ko ng sagot.

 "W-Wait! Sh-Shooting?! So do you mean... ARTISTA YUN?" 

 "Artista? Artista ganun ang ugali? Psh." 

 "Malay mo naman. Haynako. Gwapo ba?" 

 "Hindi." mabilis kong sagot. Sumimangot naman sya.

 Ako nga pala si Christine Davis. Im 16 years old and a 4th year high school student. Mahiyain akong tao at may pagkatahimik. May nagsasabi ding tomboy daw ako pero hindi naman. Talagang tshirt, pants at sumbrero lang ang trip kong suotin araw-araw kapag walang pasok at nakaproper uniform naman ako sa school na maiksing palda na kapantay ng tuhod at blouse. 

 And she's Mica Magalion. Bestfriend ko yan simula pa lang bata kami. Magkapitbahay kasi kami nyan kaya halos sabay kaming pumasok sa school araw-araw. Sya rin yung kausap ko nung bago ko madaanan yung shooting-scene na yun. Hindi naman kami mayaman, hindi rin mahirap, katamtaman lang. 

 Pumasok na lang kami sa bahay nila. As I've said, magkapitbahay kami. Agad naman syang sumalampak sa sofa at binuksan ang TV. Nililipat nya yung channel at tumigil sya sa isang palabas. May binubugbog na lalaki at hindi sya makalaban. 

 Teka, familiar yun ah? Wait.. 

 Hmmm..

 Napatingin ako bigla dun sa lalaking binubugbog. O___O

 "OHMYGHAD! Ang gwapo nya talaga!" sabi ni Mica nang malinaw nang nakikita yung lalaking binubugbog. Mas lalong nanlaki yung mata ko.

 "T-Teka.. S-Sino sya?" tanong ko at itinuro yung lalaking yun.

 "DUH? HINDI MO SYA KILALA? GRABE KA TALAGA TIN-TIN! Sya lang naman si Frank Santiago! Ang bagong teen na kinababaliwan ngayon!" sigaw nya. 

 "Ha? Edi ibigsabihin.. artista sya?" 

 "Hello? Oo nga!" 

 Napatigil ako sa nalaman ko. Sinungitan ko na, tapos artista pala? -___-

 "Eh bakit ba mukhang gulat na gulat at hindi ka makapaniwala ha?" 

 "S-Sya yung.. Sya yung lalaking k-kinukwento ko sayo.." mahina kong sabi pero sapat na para marinig nya. 

 "WHAT?! SYA YUNG LALAKING SINUNGITAN MO?! OHMYGALLY TIN-TIN! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SAKIN? NAG-SORRY KA BA?" tsk. 'To talaga, laging nakasigaw. >_<

 "Chill.. Hindi ako nag-sorry. Ang panget ng ugali nya kaya malamang, hindi ko malalamang artista sya." sagot ko.

 "Tsk. Ikaw talaga. Sayang naman yun. Edi sana nakapagpa-autograph ka!"

 "Duh. Im not a fan girl like you Mica. At saka, hindi ko nga sya kilala." 

 Seriously, hindi ko talaga sya kilala. Hindi kasi ako mahilig manuod ng TV. Mas hilig ko ang magkulong lang sa kwarto the whole day tuwing walang pasok at mag-aral lang kapag nasa school. Buti nga napapagtyagaan ako ni Mica. Si Mica pa naman eh, sobraaaaaang daldal. -_-

 "Hay. Kung ako yung nandun, hihimatayin na ako. Ang gwapo nya kaya! Like, hello? Sino bang hindi matutuwa kapag nakakita ka ng artista sa personal dba?" sabi nya with actions pa.

 "Tch. Kung hindi ako nakapagpigil dun, napatikim ko na yun ng flying kick ko."

 "Ayt! Bayolente talaga ng bespren ko!" 

 At ayun, pinagpatuloy lang namin yung panunuod. Argghh.. That day was the worst day of my life. Nakakahiya! >___<

 Maya-maya din ay bumalik na ako sa bahay ko at nagkulong sa kwarto. Ako lang mag-isa bahay ngayon kasi nasa office si Daddy at may pasok sina kuya kasi college na sya. 

 Hihiga na dapat ako nang may narinig akong nagdoorbell kaya nagulat ako. Istorbo -.- Agad akong pumunta sa gate namin. Naabutan ko doon ang isang mensahero. Inabot nya sakin ang isang sulat at nagpapirma sa kung ano man yun. Pumasok din naman ako agad sa loob ng makuha ko na yung sulat. Binasa ko ito.

 ***

 Para sa epaluts na babaeng nanggulo sa shooting ko kahapon,

Gaya nga ng sinabi ko, hindi pwedeng ganun na lang yun. Kaya go this address whether you like it or you like it. 

 >Artist Incorporation. 4th floor, room17.<

 PS: Tatawagan dapat kita kaso masyado ka na atang sinuswerte nun.

 ***

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon