Unexpected [22]

810 13 1
                                    

 -22-

 CHRISTINE’s POV

 “Nawiweirduhan na talaga ako kayna Daddy at Kuya Dim eh. Kakaiba yung kinikilos nila.” Sabi  ko kay Mica. Andito kami sa cafeteria ng school. Lunch time kase.

 “Bakit naman? Ano bang kinikilos nila? Kumakain na ba sila ng laman ng tao? Umiinom ng dugo ng tao?”

 Binatukan ko nga. Tino kausap eh. =___=

 “Tumigil ka sa kapilosopohan mo Mica ha. Nakakaloka ‘to.”

 “Joke lang naman! Bumatok ka na agad dyan.” Sabi nya at hinihimas yung ulo nyang binatukan ko. OA sya, tapik lang kaya yung ginawa ko. “Eh baka naman hindi ka lang sanay. Kase diba, madalas kang wala sa inyo? Madalas, kasama mo si Frank kaya naninibago ka siguro.”

 Napaisip ako sa sinabi nya.

 “Hindi naman siguro. Umuuwi pa din naman ako samin kaya nakakasama ko pa din sila.”

 “Eh ano ba yung mga kaweirdo-weirdong ginagawa nila?”

 “Uhm.. Dati, may curfew ako. Pinapagalitan nila ako sa tuwing late ako uumuwi. Pero ngayon, kahit abutin ata ako ng madaling araw eh ayos lang sa kanila. Hindi pa nga ako nakakapagpaalam eh. Madalas kasing ginagabi kami ng uwi ni Frank dahil nga may taping sila. Nakakapanibago lang talaga. Hindi naman sila ganun dati.”

 “Eh baka naisip nila na safe ka naman kay Frank. May tiwala siguro sila kay Frank.”

 “May tiwala? Eh sa pagkakaalam ko, kahapon lang sila nagkita.”

 “Ha? Ay ewan ko sa inyo. Ang gulo ng buhay mo ah.” Napakamot sya sa ulo nya.

 “Tch. Saka kahapon, hinatid nya ako sa bahay namin. Eh hindi naman nya alam yung bahay namin. Never pa nya ako hinatid samin noon. Sa kanto lang malapit samin nya ako binababa. Nakakapagtaka lang.”

 “Hay nako, magmasid-masid ka kasi. ‘Wag magmanhid-manhidan.”

 Napabuntong-hininga na lang ako.

 Bigla namang nanglaki yung mata nya.

 “Oyy! Speaking of hinatid ka nya kahapon, anong nangyari sa inyo within 2 days ha?” Patay. Sana pala hindi ko na sinabi yun. Argh. “Sumesegway ka eh! Hindi mo pa kinukwento sakin. Dali! Excited na ‘ko!”

 “Halata nga.”

 “Dali na kasi!”

 “Ano pa bang ginagawa sa bakasyon? Yun. Yun ang ginawa namin.” Tipid kong sagot. Totoo naman ah.

 “Specific naman! Ang damot mo talaga ‘pag nagkukwento.”

 “Edi nagpahinga!”

 “Ano pa nga?!”

 “Wala.”

 “Ano nga?”

 “Wala nga. ‘Wag ka nang matanong dyan.”

 “Tin-Tin naman eh!”

 “Tumahimik ka. Hindi ako magkukwento dahil wala naman akong ikukwento.” Sabi ko kahit sa totoo eh madaming nangyari nung 2 days na yun. Alam nyo naman si Mica diba? Malisyosa sya.

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon