Unexpected [15]

769 12 4
                                    

Dedicated to her. Nagustuhan ko yung comment nya. Mehehe. ^^v 

 -15-

 FRANK's POV

 "Paano mo ba naging alalay-slash-assistant-slash-slave si Christine?" mausisang tanong ni Edd sabay subo ng kinakain nyang chips. Ganto kami kapag hindi nakaharap sa camera, parang ordinaryong tao lang. Ordinaryong tao lang naman talaga kami, sumikat nga lang. 

 "Wag ka nang matanong." sabi ko at binato sya ng unan. Andito kami sa theater room ng bahay namin. Gaya nga ng sabi nya at magmo-movie marathon kami. 

 "Dali na Frank. Sabihin mo na." pangungulit pa nya at nag-puppy eyes pa. Ewww. Kaya ko 'to nasasabihan ng bakla eh.

 "Para kang bakla." sabi ko at nilamukos yung mukha nya. Nadidiri ako. 

 "Sabihin mo na nga kung bakit mo sya naging alalay." 

 "Hay." alam kong hindi sya titigil hangga't hindi nya naririnig yung sagot ko kaya pinagbigyan ko na. "Ginulo nya yung shooting namin noon. Yung may fighting scenes ako. Tapos bigla syang pumasok sa eksena at matapang na sumigaw kung bakit daw ako binubugbog. Mala-tomboy pa naman yun, ang angas eh. Kaya ang naging punishment nya ay maging alalay ko."

 "Pumayag naman sya?"

 "Obvious ba?"

 "K. Eh bakit parang ang laki naman ng ginawa nyang kasalanan para maging punishment ang pagiging alalay mo? Saka pumayag pa sya." 

 "Ewan ko nga eh. Yun lang ang naisip ko para mapalapit sa kanya." ayan, napapakwento na tuloy ko ng wala sa oras. =__=

 "Naks. Kaya naman pala eh. Gumaganyan ka na ah!" pang-iinis nya. Kaya ayaw ko talagang nagkukwento dito, lalo na sa mga babaeng nagugustuhan ko.

 "Tumigil ka nga." 

 "Eh bakit mo naman sya nagustuhan? Dali! Magkwento ka!" 

 "Simple lang sya eh. Yun. Saka maganda naman sya." sagot ko. 

 "Achuchu! Inlababo si Frank Austin Santiago! Wiwit!" sabi pa nya.

 "Wag kang maingay ha. Kapag yan lumabas sa media, malilintikan ka talaga sakin. Ayaw kong pati sya eh nadadamay." babala ko sa kanya. Aba, mahirap na noh. Madaldal din kase 'tong isang 'to eh.

 "Oo naman, tatahimik ako. Promise." sabi nya at kunwareng zinip yung bibig. 

 Hay.. Mutual kaya yung feelings? Gusto rin kaya nya ako? 

 "Salamat pare." at nag-apir kami. 

 Nagsimula na kaming manuod ng pelikula. Medyo napahaba yung usapan namin kaya ngayon lang namin nasimulan. =__= Pfuuu~

 *****

 Sinundo ko na ulit si Christine sa bahay nila dahil may taping kami.

 "Hindi mo na naman kasi ako kailangang sunduin eh." sabi nya nung nasa loob na kami ng kotse. Umandar na yung sasakyan. 

 "Wow ha. Choosy ka pa sa lagay na yan. Ang swerte mo nga eh. Ikaw alalay ko, ako amo mo tapos sinusundo pa kita. Dapat nga magpasalamat ka pa dyan eh." sabi ko naman. Totoo naman ah!

 "Bakit naman ako magpapasalamat? Sinabi ko bang sunduin mo 'ko? Pwede mo namang itext na lang sakin kung saan yung taping at pupunta naman ako." masungit nyang sagot. 

Okay. Anong isasagot ko? -___- Nakita ko si manong sa front mirror na natatawa. Sinamaan ko lang sya ng tingin, syempre yung pabiro. Arghhhh. Natrap ako sa question na yun, anong isasagot ko? >_<

 "Tss. Sige, sa susunod. Hindi na kita susunduin." kahit gusto kong sunduin ka pa rin. Ayaw kong mahalata nya yung hidden agenda ko. lol.

 "Hay salamat." mahina nyang sabi pero narinig ko. 

 Nanahimik lang ako the whole ride. Pati rin naman sya. May nakasapak kasing earphone sa tenga nya. 

 Maya-maya din ay nakarating na kami sa venue ng taping. Pumasok na ako sa tent namin. At ayun, nandun ang buong cast/barkada. Yung mga co-stars ko sa show. 

 "Ohh! Andito na pala si boy inlove!" sabi ni Jason. Hay nako. Eto na naman po tayo. =___=

 "Sino ba kasi yang lucky girl na yan?" usisa ni Chacha. 

 "Dali na sabihin mo na!" sabi pa ni Sandra.

 Ughhh. 

 "Wala akong sasabihin." sagot ko. 

 "BAKIT NAMAN?! PARANG HINDI MO KAMI BARKADA NYAN AH!" sabay-sabay nilang sagot na pito. Sila sina Jason, Chacha, Edd, Sandra, at Jenny.

 "Pinagplanuhan nyo ba yang line na yan? Sabay-sabay kayo eh." sabi ko.

 "Tch. Iniiba mo usapan eh. Sino nga yan?" tanong ni Jenny. 

 "Kayo na bahalang humula." sabi ko at dinilaan sila. Nakita ko si Christine na nandun lang sa isang gilid at hawak ang phone, may katext ata. Hay, may sarili na naman syang mundo. 

 "Non-showbiz yan eh! Imposibleng mahulaan namin yan. =___=" sabi ni Sandra. 

 Nagkibit-balikat na lang ako at tumawa. Bahala sila dyan. Basta kami ni Edd, tahimik lang. Kunyare hindi alam ni Edd kung sino kaya nakikisama sya sa panghuhula. Hahaha, katuwa yung mga mukha nilaaaa~

 *****

 "Saan ba tayo pupunta ha?!" natataranta tanong ni Christine. Hinila ko na sya papasok sa kotse. 

 "Basta." sabi ko.

 "Sabihin mo na! Sa taping ba?" pangungulit nya. 

 "Nope." 

 "Eh saan?"

 "Secret."

 Nagcross arms lang sya at nagpout. Cute eh~ 

 Binato ko sa kanya yung bag nya pero hindi malakas, baka masaktan sya. 

 "Ano 'to?" at tinuro yung bag nya.

 "Bag malamang." 

 "Ayan ka na naman sa kapilosopohan mo ah. I mean, anong gagawin ko dito? Saka bakit at paano napunta sayo 'to?" 

 "Secret." 

 "Psh."

 "Tumahimik ka na lang dyan." sabi ko at ini-start yung kotse. Pinaandar ko na.

 Hulaan nyo kung saan ko sya dadalhin. ;)

 ______________________________________________________

 BOW. HAHA. Miss nyo na ba ang POV ni Christine? Don't worry, sa next chapter, salitan na sila ng POV ni Frank. Mehehe. ^^v Get ready for a BIGILICIOUS-HEAVILICIOUS-CONFESSION na magaganap sa mga susunod na chapters. Hohoho. Thanks for reading, supporting, and voting. Thanks din dun sa mga nagcocomment. Patuloy nyo lang gawin yan. Hehehe. Thank youuuu~

 PROMOTE: Basketball Court (MyrVes FanFic) by YVESandMYRTLE. Thanks dun sa magbabasa. :)

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon