Unexpected [24]

718 12 6
                                    

 Nag-update na 'ko dahil may pasok na bukas. HAHA. Saka every weekend na lang ata ako makakapag-update kaya pasensya po. ^_^

 -24-

 FRANK's POV

 "Oh bro, bakit wala yung assistant mo?" tanong ni Jason, yung co-star ko sa show.

 "Wala eh. Hindi sya sumama."

 "Bakit naman?" tanong din ni Chacha.

 "Kailangan nyang bumawi sa studies." 

 "Sabagay, mahirap pagsabayin ang studies at trabaho." Sandra.

 "Tama ka dyan. Saka magkano ba sinusweldo nya?" Jenny.

 "Wala." 

 "ANO?! WALA?!" singit ni Edd. 

 "Oo, wala." kalmado kong sabi.

 "EH BAKIT WALA?!" tanong ni Jason.

 "Ewan." 

 "Ang labo mo eh noh? Eh bakit mo napapayag yun?" Chacha.

 "Eh bakit ba kayo tanong ng tanong?" 

 "Eh bakit ka sagot ng sagot?" sabay-sabay nilang sabi. Parang alam ko yan line na yan. Sinabi din sakin ni Christine eh. 

 Oh, Christine na naman? 

 "Okay guys! Mag-ayos na tayo. Magsisimula na ang taping." sigaw nung isang staff. Wooot! Nakaligtas ako! 

 Nandito na nga pala kami sa Boracay. Halos kararating lang din. Syempre, para ano pa? Edi magtaping. Sa totoo nga, tinatamad akong pumunta dito. Tch. Nakakasawa na! 

 "Hoy Frank, 'wag muna pagkaisipin si Christine. Mamaya na yan. Magtrabaho ka muna." sabi ni Manager.

 Sinamaan ko lang sya ng tingin.

 At ayun na nga, naghanda na ako para sa taping. 

 *****

 CHRISTINE's POV

 "Hello Jeremiah?!" narinig kong sabi ni Mica nung sinagot nya yung tawag ni Jeremiah. Medyo pabulong pa yung pagkakasabi nya pero parang pasigaw. Kinikilig ba naman. 

 "Ako pala si Mica. Kaibigan ni Christine." 

 "Ahhhhh! Nice to talk to you Jeremiah. Idol na idol kita. Hihi." 

 "Ah, si Christine?" 

 Tumingin sya sakin at sumenyas ng 'Nasan ka daw?'. 

 Sumenyas naman ako na 'Sabihin mo wala ako! Magpalusot ka!'.

 "Si Christine? Wala sya eh. Iniwan kase nya sakin yung phone nya. Pasensya ka na ha."

 "Okay. Sige. Babye!" 

 At binigay na nya sakin yung phone ko.

 Tiningnan nya 'ko na para bang kinikilatis yung bawat parte ng mukha ko. Nakakunot pa yung noo nya. Anong nangyayari dito?

 "Hoy! Bakit ka nagkakaganyan? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko.

 "Wala." sabi nya na pinagpapatuloy yung ginagawa nya.

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon