Prologue
Dali-dali ko kinuha ang gamit ko saka dali-daling lumabas ng bahay para makapag-antay na ng masasakyang tricycle. Isang subject lang ang pasok namin ngayon pero dahil inutusan ako ni papa kanina na magluto ng pananghalian ay medyo natagalan ako kaya't nagmamadali ako ngayon dahil baka malate ako.
Habang nag-aantay ng masasakyan ay kinuha ko sa bag ko ang wireless earpads ko. Bago ko pa mabuksan ang phone ko para buksa ang Bluetooth ay may tricycle na kaya dali-dali na ako pumara at sumakay.
Halos isang oras ang naging byahe bago nakarating sa school. Dinamdam ko pa ang hangin sa tricycle habang nakikinig ng kanta. Kaagad akong sinalubong ng ingay ng mga kaklase ko pagpasok ko. Naghanap kaagad ako ng mauupuan saka ko inilapag ang bag ko.
"May index card ka, Bryce?" tanong kaagad ni Jozh.
Natampal ko ang noo nang maalala na nasa ibabaw iyon ng mesa ko sa k'warto.
"Nakalimutan ko, par!"
Humalakhak siya saka ako inakbayan. Mas mataas ako sa kaniya kaya hirap siya ngayon.
"Arat mamburaot."
Ngumisi ako saka sumang-ayon. May picture naman ako sa wallet ko pero index card na lang talaga ang kulang. Naiwan ko ganito talaga ang college life. Parati pa naman akong swerte sa index card, pero pagraffle ligwak!
Kaagad kami nagtanong-tanong sa mga kaklase namin. Kaso dahil tinaguriang mga selfish ay wala man lang naglalabas kahit meron naman talaga.
"Bryce, kay Kir kaya." Inginuso niya si Kir na nasa isang tabi habang tahimik at may kung anong kinakalikot sa phone niya. "Nakita ko na may index card siya kaso nahihiya ako. 3rd year na tayo hindi ko pa rin iyan nakakausap."
Kahit ako hindi kami masyado nagkakaroon ng interasyon sa isa't-isa.
"Lagot tayo pag wala tayong index card. Arat, par!"
Kumuha ako ng upuan saka ko inilagay sa tabi niya. Nilingon niya ako saka ibinalik kaagad ang pansin sa cellphone niya sa harap.
"Kir, ano kasi may extra ka pa bang index card? Nakalimutan ko kasi sa k'warto ko iyong akin. Bayaran ko na lang."
T*ngina! Kung close kami nito hindi ako magbabayad! Sayang ang dos!
Ngiting-ngiti pa ako habang nakamot ng batok ko. Parati ko naman na siyang napapansin dati kaso mailap talaga sa amin. Si Carsen lang ang parati niyang kasama hindi ko alam kung jowa niya pero dahil Facebook friends kami ni Carsen nakikita ko siya sa iilang story nito at post.
"Ilan ba?" tamad niyang tanong kaya napaayos ako ng upo.
"Dalawa sana, p're."
Tamad siyang tumango saka binuksan ang sariling bag niya. Dudukot na sana ako sa bulsa ko ng tamad niya akong sinulyapan.
Mukha siyang tamad na inaantok at ayaw paistorbo.
"Huwag na."
Nakatingin siya sa kamay ko kaya inilabas ko na sa bulsa ko.
"Sure ka?" He nooded.
Nang maibigay na sa amin ay nagpasalamat kami ni Jozh. Nilubayan na ako ni Jozh kaya kinuha ko bag ko sa napili kong upuan kanina saka lumipat sa likurang banda ni Kir. Kinuha ko na ang picture sa wallet ko saka ko idinikit sa left side ng index card ang 1x1 kong picture.
Hindi rin nagtagal ay dumating na prof namin. Kaagad hiningi ang index card namin. Ipinasa ko kay Kir ang akin na kaagad naman niyang kinuha saka inabot sa unahan niya.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024