Chapter 3
Nang matapos namin ang demo teaching namin na walang student at mga exam at natapos ang dalawang linggo halos wala kaming tulog ay nakahinga na ako ng maluwag. Ngayon ang huling exam namin. Gusto ko man sabihin na deserve ko kumain or bumili ng kung ano sa labas naubos pa ang allowance ko dahil sa mga instructional materials at kung ano-ano pa.
"P're, inom?" tanong ni Jozh.
Umiling ako saka pinakita ko ang wallet ko na may 50 at kaunting barya. Ayoko sumama na walang ambag lalo na kung inuman.
"Ayos lang iyan. Tara na." Biglang sulpot ni Jelay. "Deserve natin ito."
Nang mapansin ko sina Carsen na papalabas na ay saka ako nakapagdesisyon.
"Pass. Next time na lang."
Dali-dali akong lumapit sa kanila. Mukhang may hinihinging favor na naman si Carsen at nakabusangot na naman ang pinsan niya. Bilib din ako dito kay Carsen at talagang nagawa niya pang pilitin ang isang ito.
"Ey!" Nilingon ako ni Carsen.
"Fine kay Bryce na lang ako magpapasama. Okay ka na?"
"Bakit?" takang tanong ko.
"Gala."
"Libre ba?" tanong ko pa.
Tumango si Carsen kaya umu-oo na ako.
Nang sumakay na si Carsen sa motor ng jowa niya ay nilingon ko si Kir. Nakabusangot pa. Kinuha ko ang isang helmet sa motor niya saka ko inagaw ang susing nasa kamay niya. Wala na akong sinabi saka sumakay.
"Sakay," sabi ko.
"Ayaw."
H*yop! Talagang ang tigas.
"Sasakay o sasakay, Kir?" tanong ko.
Hindi siya gumalaw kaya noong makita ko na malapit na sina Jozh. Kaagad akong ngumisi. Badtrip pa naman ito sa grupo ni Jelay. Backstabber eh sakto narinig pa ni Kir.
"Want mo suyo, baby? Baka magtaka sina Jozh kung bakit hindi ako sumama sa kanila tapos ito ako susuyuin ka."
Walang pasabing sumakay kaagad siya. Inabot ko ang bag ko sa kaniya. Kaagad akong sumenyas kina Carsen na okay na kaya di rin nagtagal bago pa kami maabutan nina Jozh ay pinaandar ko na ang motor niya,
Halos lampas isang oras ang naging byahe namin. Tahimik lang si Kir habang pangisi-ngisi na si Carsen sa akin.
"Ba't napapayag mo?" tanong niya na parang walang bilib sa akin.
"Authority, cousin. Authority." Pag-uulit ko pa.
Nauna maglakad sina Carsen at jowa niya habang nakasunod naman ako at nasa likuran ko ang pinakamaarteng nilalang sa buhay ko.
Nang sandaling lumingon ako ay nakita ko siya may pinapakain ng pusa. Nilingon ko sina Carsen na patuloy sa paglalakad.
Bryce:
Chat mo na lang kung saan kayo. Ang arte ng pinsan mo.
Carsen:
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024