22nd

901 30 8
                                    

Chapter 22

Parang bumalik na naman kaming dalawa sa day 1. Napapansin ko na hindi na naman siya komportable sa akin. Hindi ko alam kung sadya niya ba iyon o talagang nag-aadjust na naman na ulit siya.

Ipinakilala kami sa dalawang klase ni ma'am sa grade 9. Buong period ay nakaupo lang kami sa likuran. Paminsan-minsan napapansin ko na mas nakatuon ang pansin ni Kir sa labas kaya kung minsan ay kinukuha ko ang atensyon niya.

Ang bilis niya mabored sa mga bagay-bagay!

Pagkatapos ng dalawang pasok ay sumunod kami kay ma'am Mae sa faculty. May isa pa raw siyang office kung saan doon nagmemeeting ang mga SSG officers since siya ang adviser ng SSG. Doon na muna daw kami kaya pinakita niya.

Maliit lang ang room pero dahil kami lang naman ni Kir hindi na masama. May isang mesa sa gitna sa harap naman ay may white screen na board. May mga mono blocks rin na pwede maupuan. May tv din sa taas ng board sa may teachers table sa right side.

"So kayo na muna ang bahala dito. Iiiwan ko ang susi sa inyo para hindi na hassle sa inyo kapag wala pa ako ay pwede kayo makapasok dito."

Inabot niya sa akin ang susi pero kaagad ko naman itong iniabot kay Kir. Ayoko magdala ng susi.

"Kayo ba mga single mga sir?" tanong niya na kaagad naman naming ikinatango. "Ingat lang mga sir. Alam niyo naman mga pinagbabawal ano?"

"Yes po."

"Mukhang lapitin kayo ng mga estudyante. Okay naman maging close sa kanila but always make sure na you put your boundaries ah."

"Ikaw, ma'am? May asawa ka na? Boyfriend ganoon?" tanong ko.

Pakapalan lang ng mukha.

"I have a girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Teacher din po ba?" tanong ko.

Kailangan natin minsan makipagplastikan dahil bibigyan din kami ng grades nito.

"Hindi. Photographer siya at may sariling maliit na studio." Tahimik na lang akong ngumiti dahil wala na akong maitanong. "Kayo ba bakit kayo nag-educ?"

"Goods po ako sa educ, ma'am. Itong isa medyo tagilid." Nilingon ko si Kir per matalim na tingin kaagad ang sumalubong sa akin. "Ay loves na loves niya po ang pagtuturo, ma'am."

"Bakit, sir Kir? Pressure ba?"

"Medyo po. Family ng mga teacher po kasi."

"Okay lang iyan. Nandito ka ngayon means you're doing your best. I hope na maging maayos ang pagsasama natin. And if may mga question kayo about sa field study niyo at sa experience namin as a teacher I am willing to share you all what I know ano. Good luck, sir."

Nakauwi kami ng maaga. Wala pa naman kami masyado ginawa kundi ang magpakilala at mag-observe na rin. Binasa ko ang iilang mga activity sheets sa field study 1 at nagnotes ng mga kailangan ko kunan ng litrato at mga kung ano-ano pa para hindi ako mahirapan.

Maaga ako nagising dahil wala akong choice. Medyo malayo pa naman byahe. Pagdating ko sa school ay dumiretso ako sa SSG office kaso sarado pa. Gusto ko sana imessage si Kir kaso tinamad ako kaya nang makita ko so Jelay ay nilapitan ko.

"Ano kumusta 1st day kahapon?" tanong ko.

"Ang daming pinacheckan sa akin ng CT ko
Dala ko pa nga sa bahay eh. Kayo kumusta?"

"Wala naman pinapagawa pa sa amin. So goods pa kami."

"Malapit na raw ang 1st quarter ah. Mukhang pati 2nd quarter aabutin pa natin. Good luck na lang kapag pinagawa tayo ng test paper."

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon