A/N
Good morning! Part 2 ng kaganapan sa chapter 24 ito. Enjoy reading! Hahahaha thank you sa mga nagbabasa! Nag-eenjoy ako basahin comments niyo hehe. Love y'all 💓
Chapter 25
Nawalan ako ng gana. Umuwi ako matapos umalis nina Kiarra at Kir. Nagpaalam na ako na babyahe pa ako kaya mas mabuting makauwi na ako. Buti at pinayagan naman ako, kaya nag-early out na lang ako.
Wala pang tao sa bahay pag-uwi ko kaya naglinis na muna ako at nagsaing na rin. Wala naman talaga akong lagnat pero mabigat ang nararamdaman ko.
Alas singko na ng dumating ang mga kapatid ko. Gulat pa sila na makitang malinis sa bahay at nagluluto ako ng ulam namin.
"Kuya, may lagnat ka ba?" tanong ni Bea pagkapasok pa lang.
"Ayos ka lang ba, kuya?" tanong naman ni Bryce bago dali-daling lumapit at kinapa ang noo ko sabay hawak din sa noo niya. "Wala ka namang lagnat."
Tinampal ko ang kamay niya dahilan para alisin niya ito.
"Maaga ako umuwi. Medyo not feeling well. Magbihis na kayo. Bumili ako ng banana cue kanina kainin niyo."
Dali-dali naman na silang pumunta sa mga k'warto nila para magbihis. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Vera.
[Paksh*t ka! Anong nangyari?] tanong niya.
"Kita tayo."
[Sige. Sabihan mo na lang ako kung saan.]
Nang matapos ang niluluto ko ay nagbihis ako ng damit at kinuha kaagad ang susi ng motor.
"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Bryce na kasalukuyan nang kumakain.
"May kikitain. Uwi ako around 8 siguro. Kayo na bahala dito. Nakaluto naman na ako."
Hindi ko na inantay na mag-usyuso pa si Brylle kaya umalis na kaagad ako. Hindi umabot ng isang oras at nakarating na ako sa isang resto bar. Hindi ko na itinuloy ang pagsama kina Jelay dahil umuwi naman na ako ng maaga.
Nakita ko si Vera na kumakain na ng nachos habang may bukas na kaagad na root beer sa harap. Naupo kaagad ako. Hindi naman na siya nagulat.
"Selos ka?" tanong niya kaagad. Hindi ako umimik at kumuha na lang ng nachos. "Ba't ka naman nagseselos?" Dagdag niya pa.
"Hindi ko alam. Magulo. Gusto ko na ba talaga siya?" tanong ko dahilan para humagalpak siya ng tawa.
Napatingin ako sa paligid pero mukhang wala namang silang pakialam.
"Tanga ka?" Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Naistress ako sa'yo. Ba't ka naman magseselos kung wala kang nararamdaman para sa kaniya diba?" tanong niya.
Wala akong maisagot. Magulo ang isip ko. Ang gulo ko.
"Ano ikinaseselos mo?"
"Parati silang magkasama. Tapos hinahayaan ni Kir si Kiarra pagdating sa maraming bagay kahit hindi naman siya ganoon. Parati pa silang magkasama tapos kanina iniwan ako ni Kir kahit alam niyang masama rin ang pakiramdam ko para ihatid si Kiarra sa clinic."
"Actually maganda nga iyon. Anong pinuputok ng butsi mo eh ikaw wala naman talagang lagnat. Iyong isa meron."
"Naiirita ako."
Humagalpak na naman siya ng tawa kaya padabog ko na kinuha ang isang root beer saka binuksan at ininom.
"May motor kang dala huwag kang iinom-inom. Isa lang!" Hasik niya pa. "Ay pwede ka naman maglasing pero ipapasundo kita sa crush mo. Hindi ako nagbibiro. Alam mo mali itong ginagawa mo, Bryce."
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024