Chapter 17
Hindi nagtagal ay biglang may malakas na pagkatok. Halos manginig ang buong katawan ko. Paglingon ko kay Kir ay pilit siyang tumayo. Kaagad ko siyang inalalayan. Hindi ko alam kung anong bang kasalanan ko. Bakit parang pinaparusahan naman ako ni Carsen? Hindi naman ako naging masama. Pinilit ko naman. Sinunod ko naman siya. Bakit kailangan maging ganito?
"We didn't do it, Kir. Hindi ko rin siya gusto. Imposibleng ako ang ama. Walang nangyari."
Pagpapaliwanag ko habang natataranta.
"If you say so then I believe you," sabi niya diretso ang tingin sa mga mata ko.
Siya ang nagbukas ng pinto kahit halos matumba na siya. Pilit niyang inihaharang ang kaniyang sarili sa akin kahit alam kong nahihilo na siya. Siya ang sumasalo sa panunulak ng papa ni Carsen dahil pilit niya akong itago sa likod niya.
"H*yop ka! Walanghiya ka!" Gigil na gigil niyang sambit habang pilit akong itinatago ni Kir sa likod niya at pinipigilan ng mama ni Carsen ang asawa nito. "Anong ginawa mo sa anak ko!"
Tila nawalan ako ng boses sa mga oras na ito. Gusto ko may sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Inuunahan ako ng kaba at takot.
"Tito, not now. Pag-usapan natin ito ng mahinahon."
"Umalis ka diyan, Kir! Pinsan mo ang ginalaw ng lalaking iyan. Binuntis niya ang pinsan mo!"
"Hindi siya," nanghihinang sambit ni Kir.
"B*b* ka ba?! Hibang ka! Pinsan mo ang naagrabyado dito! Sinira niya ang kinabukasan ng anak ko!" sigaw na nito.
"Huwag sabi ngayon, tito! Sa linggo! Pag-usapan natin sa harapan mismo ng anak niyo! Naniniwala ako kay Bryce! Ako! Ako ang parating kasama niya paanong may mangyayari sa kanila!" sigaw ni Kir.
"Hindi po talaga ako. K-kahit ipaharap ko pa si mama sa inyo. Hindi ako! Walang nangyari sa amin ni Carsen." Pagpapaliwanag ko.
Mahigpit ang pagkakakapit ng isang kamay ko laylayan ni Kir. Hindi ako sanay sa ganito.
"Paano ko naman papaniwalaan iyan?" tanong ng papa ni Carsen. "Tanga ka ba, Kir! Gustong-gusto iyan ni Carsen! Nakita ko na parati silang nagkakausap at sa tuwing sinusundo ko ang pinsan mo magkasama sila! Alangan na walang nangyayari?!"
Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil sa pagsigaw ng papa ni Carsen.
"Nililigawan ko si Bryce, Tito. Now stop this!" sigaw ni Kir. Inalalayan ko siya dahil sa kamuntikan na siyang matumba. "Hindi siya ang ama. Nililigawan ko siya! Sa linggo, pag-uusapan natin lahat. Huwag muna ngayon. Anak niyo ang tanungin niyo! Walang namamagitan sa kanila! Anak niyo ang kailangan malinawan dito! Sa linggo! Isasama pa namin si tita para makausap niyo. Gabi na nakakabulabog tayo. Please, tita. Umuwi na kayo bago pa tayo maipabarangay dito. Pagod na pagod na ako," he almost whispered.
"Tama na." Pag-aalo ng mama ni Carsen habang umiiyak. "Kir, sa linggo. Patunayan niyo! At sana handa ka rin sa pamilya mo! Alam kong may isang salita ka."
Padabog silang umalis at pabagsak na isinara ang pinto.
Halos manginig ang buong katawan ko dahil sa nangyari. Hindi ako umalis si likuran ni Kir. Nakahawak lang din siya sa papulsohan ko kahit na alam kong hindi siya okay. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya at ramdam na ramdam ko pa rin ang init na bumabalot doon dahil mataas pa rin ang lagnat niya.
Nang tuluyan nang makaalis ang magulang ni Carsen ay doon pa lang ako hinarap ni Kir. Nananatili lang akong nakayuko at pinipigilan na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024