28th

869 35 5
                                    

Chapter 28

New environment, new me. Normal akong maingay na tao. Hindi nawawalan ng sasabihin depende kung ayaw ko talaga magsalita. Kaso sa estado ko ngayon biglang nagbago pagkatao ko.

Hindi rin gaano kaingay lalo na kung ganito mga kasama ko. Ang seseryoso nila. Parang bawal maingay at magjoke sa kanila. Nasa iisang LRC pa kami.

Paanong nakakatiis sila na hindi magsalita?

Tulad na lang ngayon na ako lang naiwan sa LRC. Mas minabuti ko na pumunta sa labas dahil nayayamot ako. Busy silang lahat. Dala ko ang laptop ko saka ako lumabas at kinuha ang mono blocks.

Gumawa na lang ako ng LP ko dahil kailangan ko makaadvance na tatlong LP bago ako magsimula next week.

Bryce:

Busy?

Hindi na nakatiis ang kamay ko na hindi magchat.

Kir:

Not really. Why?

Bryce:

I'm so bored 🥱 😴

Kir:

Ikaw lang mag-isa? Can I call? I'll just use my ear pods. I'll listen. But I won't talk.

Bryce:

Why?

Kir:

Baka mapagalitan ako. I'll just listen.

Pinili ko pa rin na tawagan siya. Masyado na akong nabuburyo. Una hindi ako nagsasalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Parang gago naman kasi.

"Makikinig ka talaga?" tanong ko.

[Hmmm.]

"Mag-isa ako. Nabuburyo na ako. Ba't kasi hindi na lang tayo magkasama? Send ko pala lp ko mamayang lunch. Tignan mo I mean check mo. Maaga talaga akong mamamatay dito, Kir."

I heard him sighed.

[Sunduin kita mamaya.]

"May motor ako, beh."

I chuckled while trying to put my concentration into my lesson plan.

[I know. Rides.]

"Sabi mo ayaw mo magsalita."

[Mag-isa ako dito ngayon tsaka kawawa ka naman.]

Pinagtatawanan naman ako nito. Bwiset!!! Tahimik siyang tao pero mapang-asar pagdating sa akin. Gustong-gusto atang pinipikon ako. Kaligayahan ata. Wala naman akong magawa.

[Let's eat somewhere after our duty. Hintayin mo ako diyan mamaya.]

"Is it a date?" pabirong tanong ko.

[Yeah. Sh*t bye! Nakikita ko na si sir. Eat the sandwich I made for you. Nasa bag. See you later.]

Bago pa man ako makapagsalita ay nakababa na. Kaagad ko iniwan ang gamit ko sa labas saka ko kinuha ang bag ko sa loob at bumalik ulit sa labas. Nakita ko na may sandwich pala talaga. Nakangiti ko itong kinain habang gumagawa ng lesson plan at PowerPoint presentation.

May sweetness naman pala siya sa katawan.

Sa sobrang excited ko umuwi ay talagang binantayan ko ang mga bata na maglinis kaagad matapos ang last subject nila. Medyo nakipag-asaran na rin ako. Mas gusto ko pa kasama ang advisory class ng CT ko kaysa sa mga taong nasa LRC. Masyadong seryoso sa buhay.

"Sir, single ka raw ba?" tanong ng mga istudyanteng nakasunod sa akin.

"Oo. Bakit may irereto kayo?" pabirong tanong ko.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon