4th

1K 29 1
                                    

Chapter 4

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Kir. Sa tuwing lalapit ako lumalayo siya o di naman kaya parang walang ibang taong nag-eexist sa paligid niya. Si Carsen naman hindi raw masyado pinapansin ng pinsan. Nalaman ko rin na magdodorm na siya kaya talagang hindi na sila parati magkasama ni Carsen pauwi. Nililipat na raw ang gamit nito at malapit lang sa school. Binayaran ang isang k'wartong pandalawahan dahil ayaw niyang may kasamang iba.

Sina Jozh ang parati kong kasama sa tuwing nasa school. Ilang beses na rin akong nakakasama sa kanila tuwing may outing o kaya naman inuman.

Tahimik na lang ako sa tuwing may pinag-uusapan at sinisiraan ang mga taong nakakasama ko. Kailangan mo na lang talaga manahimik at makihalo.

"Ang sungit ni Kir ano?" tanong ng isa pa naming kaklase.

"Kung hindi lang iyon maangas gumalaw iisipin ko bakla iyon eh," sabi ni Jozh na ikinatawa nila.

"Ay true. Noong una nga akala ko magjowa sila ni Carsen kasi kapag nag-istory si Carsen mukhang jowa niya si Kir. Pero noong nalaman ko na magpinsan sila sabi ko baka bakla."

Hindi na ako nakapagpigil kaya tumayo ako kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"Labas lang muna ako. Magpapahangin."

Hindi ko na hinintay na may masabi sila tumalikod na ako. Bumili ako ng isang stick ng sigarilyo at nakisindi na rin.

Paminsan-minsan ay talaga naninigarilyo ako. Lalo na kapag wala ako sa mood. Bilang lang naman sa daliri ko ang paninigarilyo ko sa isang buwan. Pagtalagang wala lang ako sa hulog. Mas marami pa ang inom ko kaysa sa paninigarilyo.

"So... you smoke pala," ani Jelay.

"Ah minsan lang. Doon ka na sa loob. Mausok," sabi ko.

I don't actually smoke in front of people. Naiintindihan ko ang pagkaayaw nila sa usok nito.

"It's fine. Akala ko naman magpapahangin ka lang." Humikap ulit ako saka itinagilid ang ulo para hindi siya mabugahan ng usok. "Okay ka lang?"

Tumango ako.

Humikap ulit ako at itatagilid ko na sana ang ulo ko nang pigilan niya iyon. Dahil kasalukuyan ko ng ibinubuga ang usok nito kaya nilanghap niya ito.

Damn?!

"I can smoke through your mouth," malambot at namamaos niyang pagkakasabi.

"Jelay," I murmured.

Dahil wala namang tao dito sa terrace nagulat ako nang hapitin niya ako palapit sa kaniya at ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. I don't know but I found myself kissing her too. Dala na rin siguro ng alak.

We stay for almost few minutes while devouring each others lips.

"Why can't we continue this on my apartment?" she asked.

Hindi na ako nakasagot nang hilahin niya ako. Nang makalabas na kami sa bahay ng isa naming kaklase ay sumakay kami sa tricycle. Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Dahil madilim naman na ang kanto ay hinalikan niya ako bago ako hinila papasok sa isang eskeneta.

Nang hahalikan na sana niya muli ako nang makita ko si Kir sa gitna ng daan habang walang ganang nakatingin sa amin. Napabitaw ako kay Jelay kaya iritado na rin siya. Nang lingunin niya kung saan ako nakatingin ay tila nahimasmasan siya at nahiya.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon