Chapter 20
Matapos ang nangyari umalis kaagad ako sa dorm. Pati sa trabaho ay nagpaalam na ako. Lahat ng gamit ko ay dala na namin ni mama. Hindi ko na inantay na makabalik pa si Kir at umuwi na kaagad ako noong araw na iyon. Kaunti lang naman ang gamit ko kaya hindi na ako nahirapan pa.
After ng final exams at pagpasa ng napakaraming mga final requirements at pagpappirma ng clearance ay natapos din ang sem na ito kung saan parang naubusan na ako ng lakas. Napagdesisyonan ni mama na doon muna kami sa kamag-anak nila sa probinsya. Hindi naman siya makasama dahil sa trabaho kaya kaming magkakapatid lang ang magkakasama.
Pasalamat na lang ako na hindi ako pilit na kinausap ni Kir.
Sinamantala ko na ang desisyon ni mama dahil ayaw ko na muna makakita ng kakilala at baka puntahan pa ako ni Kir lalo na at bakasyon. Naka-airplane lang ang phone ko dahilan para kahit si Vera ay hindi ako magawang tawagan.
Tama na rin siguro lumayo-layo muna ako dahil talagang nagugulohan na ako sa mga pangyayari.
Maliban sa nagugulohan na ako sa sarili, takot talaga ako. Takot sumubok ulit.
"Kuya, punta raw tayo sa sapa! Magdala raw tayo pamalit sabi nina tito!"
"Malapit law dae ba?" tanong ko.
"Mga kalahating oras daw byahe."
Tumango ako kay Bea na super excited. Well minsan lang kami makaalis at makabalik sa probinsya. Malayo sa ingay. Malayo sa lahat.
Tumulong ako sa pagbibitbit sa sasakyan ng mga dadalhin habang si Brylle naman ang siyang naghanda sa mga damit naming dalawa. Sobrang iba ang buhay sa probinsya pero sobrang nakakarelax. Maraming puno, pananim, at mga kung ano-ano pa. Napakarefreshing. Sarap mag-stay.
"Kuya!" I rolled my eyes as I saw Bea running towards my position. "Si kuya Brylle!"
"Ano na naman?" Medyo may pagkairitadong tanong ko. "Nag-aaway na naman ba kayo? Iwanan ko kayo sa sapa mamaya diyan eh!"
"Sabi ko ilagay sa bag mga gamit ko. Magdala raw ako ng akin!"
"Put your own clothes in a plastic or anything then put it on your brother's bag. Kapag ayaw sabihin mo alisin niya damit niya doon. Then magdala ka ng towel but make sure na sa ikaw na may bitbit even your other own stuff. Alam mo naman ugali ng kuya mo."
"Masisira ootd ko!"
Pinipilit ko kumalma at baka maitakwil ko ng wala sa oras kapatid ko.
"Huwag ka na sumama. Bahala ka."
Iniwan ko na siya para tumulong ulit. Hindi pwedeng parating binibaby ang isang ito at baka pati iyong isa maghinanakit.
Sa van nakasakay si Bea. Kami naman ni Brylle sa tricyle na lang. Ang iba sa mga pinsan namin ay nakamotor naman. Malapit lang naman kaya medyo nabitin ako sa byahe. Pagkarating namin ay nagpark lang then naglakad na kami papasok. May entrance fee pero hindi naman ganoon kalakihan. Inilibre na rin nila kami.
I choose to wear a while sleeves shirt, brown broadshorts, sunglasses and a white cap para lang magbitbit ng isang kaldero na may lamang kanin. Medyo naiintindihan ko na ang kapatid ko kanina.
Medyo nagdidilim paningin ko.
Akala ko malapit lang pero halos hingalin ako sa pagbaba sa hagdan. Lupa pa rin naman siya na nakakorteng parang baitang ng hagdan. Para kaming nasa bangin. Nang tuluyan na kaming makababa at nahanap ang cottage namin ay ibinaba ko na ang kaldero sa isang tabi. Natanaw ko rin si Bea na nakahawak sa siko ni Brylle habang may bitbit na jag si Brylle pati bag namin. Si Bea naman ay dala ang tote bag niya at may bitbit na caserola.
Kaagad ko kinuha ang cellphone ko saka ko sila kinuhanan ng litrato para maipakita kay mama pag-uwi. Dahil wala naman akong hilig sa pagluluto at pag-aayos ay hinila na ako ng mga pinsan namin para magpictures sa batohan, tubig, at sa kahit anong pwesto na magustohan nila.
Nagsimula na rin silang magswimming kaya nakisabay na ako. Nakabantay kami sa mga bata kaya sinabi ko kay Bea na bantayan si Brylle. Madalas kasi magcramps paa niya.
"Bea."
"Opo, kuya!"
Hindi rin nagtagal ay tinawag na kami para kumain. Kahit papano ay nawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo dito. Sa lamig ba naman ng tubig mas naiisip ko pa ang lamig na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ba't nagtatagal sila eh parang pinagbabaran ng yelo ang tubig. Pati nga mga inumin namin inilubog sa tubig sa tabi at pinalibutan ng bato para hindi tangayin ng tubig para lumamig. Dahil na rin siguro sa mga puno sa tabi nito kaya ang kamig ng tubig dagdag mo pa na bumaba pa kami para marating ito.
Kung medyo nakakapagod bumaba, grabe ang pagod ko sa pagtaas. Kahit si Bea halos hilahin na ni Brylle dahil sa parang ayaw na raw humakbang ng paa niya sa ngalay sa pag-akyat. Wala siyang magagawa. Lahat kami may bitbit even Brylle tapos akay-akay pa ang bunsong kapatid namin.
"Grabeng nature trip ito parang 'di ko na maramdaman paa ko, kuya!"
Pinagtawanan lang siya ng mga kasama namin kaya kahit si Brylle ay umiling-iling na lang sa reklamo ng kapatid.
"Kuya, sinend ko kay kuya Kir pic mo."
Nilingon ko siya bago nagpatuloy ulit sa paghakbang kaunti na lang at matatapos na ang paghakbang na ito. Wala silang alam sa nangyari at ayoko na malaman pa nila kaya mukhang nagkakausap pa rin sila.
"Anong picture?" tanong ko.
Dapat pogi ako.
"Iyong kanina. Poging-pogi ka sa outfit mo habang naglalakad pero may bitbit na maitim ng kaldero na may laman na kanin."
Final na. Iiiwan ko na talaga ito sa sapa.
"Idelete mo. Iunsend mo!"
"Kanina ko pa nasend iyon. Nakita niya iyon. Pogi ka naman doon. Pwede ng model ng panlinis ng kaldero."
2 weeks kami nagstay bago bumalik dahil pare-pareho kami may aayusin pa sa school. Nasa bahay na rin ang motor na pinangako ni papa kaya isa na rin iyon sa mga inayos ko. Hindi pa rin kami nagkikita ni Kir. Kina Vera, Jelay, at Jozh na lang din ako halos sumasama. Mas mahihirapan na rin ako magpaalam na magboarding house dahil sa mga nangyari kaya mukhang kailangan ko parati umuwi.
Maaga ako nag-enroll. Wala akong nakasabay na ipinagpasalamat ko. Ayoko pa makita si Kir. Ayoko.
"Kausapin mo kasi! Nonchalant pa naman iyon. Huwag ka mag-expect na matapos mong hindi siya pansinin ay hahabulin ka! Asa ka! Takot ka lang eh!"
I smired.
"Why would I?"
"Takot ka malaman ang totoo. Bakit? Dahil takot ka na naman na mahulog sa taong unang nahulog sa'yo tapos noong pinursue mo na... nawalan na ng gana sa'yo at iba ang jinowa!"
Nasabi ko sa kaniya iyon noong nalasing ako kaya iyon na lang ang parating pangbara niya sa akin. Kung hindi lang ito si Vera baka kumulo na dugo ko.
"Manahimik ka nga! Huwag mo naman ipagsigawan. Oo na ako na hindi pinili ng taong nagconfess sa akin. Masaya ka na?" sarkastiko kong tanong.
Simula noon parang nawalan ako ng gana sa pag-ibig. Iyong tipong parating sumasagi sa isip ko paano kung katulad ulit noong dati. Gusto ako pero di naman ako mahal. Kasi kung mahal ako, bakit hindi ako ang pinili. Bakit iba ang jinowa niya habang nililigawan ko na siya?
Feeling ko hindi ako enough. Madali lang mapalitan.
Ginawa ko atang coping mechanism ang pang-aasar kaya halos lahat sila parang hindi na naniniwala sa sinasabi ko.
Hanggang sa natakot na ako sa katotohanan. Tinatakasan ko na lang siguro lahat para maiwasang masaktan.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024