5th

1K 31 2
                                    

Chapter 5

Naka-uwi ako ng buo pero dinaig ko pa sumabak sa madugong giyera. Hindi ako tinantanan ni mama kakasermon. Wala akong magawa kundi maupo dahil mas lalo lang siyang mag-aalburuto kapag may sinabi pa ako.

"Totoo nga, ma. Hindi ako sa kaklase kong babae nakitulog. Kahit tawagan ko pa!" 

Baka mas masabon pa ako ng lalaking iyon!

"Tawagan mo. Huwag mo akong hinahamon, Bryce. Sumusobra ka na. Nakakailang outing at laklak ka na ngayong buwan."

Napakamot ako ng batok dahil sa katangahan. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan chat namin dalawa para tumawag. Kinuha kaagad ni mama ang phone matapos ko matawagan.

"Why are you calling? Ang kapal ng mukha mo! Nakitulog ka na't lahat! Ibalik mo damit ko ah!"

Dahil nakaloudspeaker iyon pati ang dalawang kapatid ko ay natawa sa bunggad ni Kir.

"Hijo, mama ito ni Bryce."

Natahimik kaagad siya sa kabilang linya.

Kahit naman ako magugulat. Si mama kasi parang sira. Nakauwi naman ako ng buo. Ano ako Disney prince? Crown prince?

"Ay sorry po."

Sumilay ang ngisi sa labi ko. Ngayon ko lang narinig na humingi siya ng sorry. Marunong naman pala mag-sorry ang baby ko.

"Pasensiya ka na. Hindi kasi ako naniniwala sa anak ko. Diyan ba talaga siya nakitulog? Pwede ba video call, hijo?"

Kaagad akong tumayo saka lumapit kay mama pero pilit akong itinutulak ni mama. Nang makita ko na binuksan niya nga ang camera niya ay natawa ako dahil magulo pa ang buhok niya habang nakasalamin. Pero kahit ganoon ang ayos ay bagay pa rin sa kaniya.

"Dito nga po. Nakasalubong ko po na may kahalikang babae tapos hindi niya po girlfriend iyon, tita. Classmate po namin iyon. "

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig kaya pati ang dalawa kong kapatid ay lumapit kay mama para makiusyuso. May galit talaga sa akin ang lalaking ito.  

Hindi ba ito marunong magsinungaling?

"Magkasama ba kayo?" tanong pa ni mama. 

"Hindi po. May binili ako sa labas. Ang panghi nga po ng paligid tapos doon pa. Kadiri."

Masyado ng nag-aapoy ang mata ni mama kaya walang ganang naupo na lang ako. Wala na akong magagawa pa sa matang iyan. Bwiset na lalaking ito hindi marunong sumalba. Ang tanong lang naman kung natulog ba ako sa kanila.

"Hijo, punta ka mamaya dito. Birthday ko ay magsiswimming sana. Nang makabawi ako, sama ka mamayang gabi. Gusto ko ugali mo. Hindi ako tumatanggap ng hindi. Ipapasundo kita kay Bryce."

Hindi kaagad siya nakasagot pero ayaw ko siyang makita. Baka masuntok ko na siya sa mukha.

"Busy iyan, ma. Hindi yan nasama sa mga gala eh."

Inirapan ako ni mama na tila pahiwatig na walang humihingi ng opinyon ko. Totoo naman na hindi talaga palasama ang isang ito sa mga gala.

"Sa kanto na lang po, tita. Sige po. Happy birthday po pala. Pasensiya na nasabi ko tuloy ang nangyari kagabi nasira ko pa araw mo."

Hindi ko na naintindihan pa ang naging usapan nila basta pagkatapos pinaghahabol ako ni mama ng walis tambo at pinagbabato ako ng kung anong mahawakan niya. 

Nakashorts lang ako at white short sleeves na polo. Bakit kasi kailangan pang sunduin? Sayang pa sa pamasahe.

Kir Brixston:

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon