Nagdouble update na ako! Hahahaha bawi langs! Enjoy reading!!!
Chapter 29
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Kir. Nasa iisang lugar kami pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Sayang-saya sa buhay si Gau habang ako naghihimutok na. Parang hangin na lang ako sa kaniya.
"Deserve."
Hay*p nakakailang stick na ako ng sigarilyo. Weekend ngayon imbis na magpahinga ay naistress ako dahil tatlong araw na akong hindi kinakausap ni Kir.
"Ano ba kasi ginawa mo at nagkaganoon? Medyo mahirap pala galitin si Kir kaya kang tiisin."
Flashback...
Naalimpungatan ako na tumutunog ang alarm ko. Nakayakap ako kay Kir habang pinipilit kong buksan ang mata ko dahil kinakapa ko ang cellphone ko. Pero lahat ng antok ay tila biglang maglaho nang makita ko na alas kwatro na ng madaling araw.
"Anong oras na?" tanong ni Kir habang kinukusot ang mata at halatang antok pa. "10 na ba?"
T*ngina! 10 pm ang usapan pati ako nakatulog. 4am na. Minus points na naman.
"F-four am na," nauutal kong sambit.
"Anong 4?" Umupo na siya sabay abot ko ng cellphone ko. Hindi pa siya nagreact ng ilang segundo bago tuluyang marealize ang lahat "Sh*t ka! Ang daming utos sa akin! Ano ba iyan, Bryce! "
End of flashback
"Simula noon hanggang ngayon hindi niya pa rin ako kinakausap."
"Ay kahit ako maiimbyerna sa'yo. Sa ugali ni Kir ayaw niya pa naman nagka-cramming. Gusto niya naka-organize lahat. Kasalanan mo kaya magdusa ka. Sabi sa akin ni Zette badtrip daw sa'yo. Baka nga hindi umuwi."
Napatayo ako kaya pati siya ay nagulat. Napahawak pa siya sa may dibdib dahil sa hindi inaasahang pagtayo ko.
"Bakit? Saan daw uuwi?" tanong ko.
"Sa bahay nila? Sasama nga sana si Zette kaso may saturday class ako ganoon din tsaka dami ko kailangan gawin."
"Sure ka?" Tumango lang siya. "Anong meron sa inyo?"
"Huwag ngayon, Gaudencio. Uuwi pala muna ako. Una na ako."
Laptop lang at dalawang pares ng bihisan dala ko. Nagcommute ako papunta sa bahay nina Kir kahit kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.
What if makita ko angkan niya? What if nandoon ang bruha? What if umuwi na lang talaga ako sa bahay?
Paalis-pabalik ako tanging nagagawa ko sa harapan ng gate nila. Papaalis na sana ako ng biglang bumukas. Bumungad sa akin ang kuya niya.
"What are you doing here?"
"Am... si... ay si Kir po?"
"Nasa k'warto niya. Pumuntahan mo na lang." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Manang, pakihatid ito sa k'warto ni Kir, Uwi ka na at day-off mo naman. May kasama naman na si Kir. Masyado niyo naman kasing binibaby kapatid ko."
Halos hindi magsink in na ako ang magbabantay kay Kir. Kailangan niya ng bantay? Ang laking sutil na nga eh. Ang hirap manuyo ng hindi mo naman jowa.
"Amoy sigarilyo ka pa."
Bigla akong nahiya.
"Kumapit po ata. Iyong kasama ko kasi kanina pinagtripan ako."
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya. Mabait naman ata kuya ni Kir. Bakit kaya pinapasok niya kaagad ako? Kilala niya ba ako?
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024