32nd

1K 33 8
                                    

Warning R-18

Chapter 32

Binigyan kami ng 1 week preparation for our final demonstration. Hindi na muna kami pinaturo sa school. Sakto naman na long weekend after kaya after ng pasok at birthday ni Gau ay nag-aya si Gau sa condo niya.

May kaya naman pala ang pamilya niya pero hindi ko maintidihan kung bakit siya nakikipagsisiksikan sa amin sa lugar na iyon.

Dala ko ang laptop ko dahil inaaral ko na buong flow ng lesson plan ko maging ang iilang minor typo errors. Malapit ko na rin matapos ang PowerPoint ko kaya kaba na lang talaga ang problema ko.

Kahit na araw-araw kami nagtuturo ay iba pa rin ang final demo. Kabado ako at talagang sobrang vocal ko doon hindi katulad ng isang ito.

"Kumusta lesson plan mo?" tanong ko habang nakaupo kami sa kama ni Gau habang nakahiga naman si Zette sa tabi niya.

"Okay naman na. Checked and signed na rin. Kailangan ko na lang siguro pag-aralan tapos tapusin ang iilan pang preparation for instructional materials pati iyong mga need para sa araw ng demonstration."

"Ikaw, Zette?" tanong ko kaya lumingon siya. "Kailan kayo?"

"After na ng school niyo. Nauna magpaschedule school niyo eh."

Nang sandaling pumasok na si Gau ay tumabi ito kay Kir. Nahiga sa hita nito kaya binato ko ng lesson plan ko.

"Aray!"

"Umalis ka diyan." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinarayan lang ako. "Sisipain kita... isa!"

"Arte."

Naupo na siya saka tumayo at lumipat sa tabi ni Zette. After noong inuwi siya ni Zette dito sa condo niya ay hindi na sila masyado nag-uusap dahil umiiwas si Gau ganoon din si Zette. Umuwi pa siya noon kaya hindi kami nakapagbebe time. Inuwi niya lang dito si Gau sabay balik. Pero alam ko may nangyari pa hindi lang nagsasabi. Tapos ngayon medyo okay naman na sila. Hindi naman pala-k'wento pero baka ako lang ang walang alam dahil parating magkasama sina Zette at Kir.

Well hindi ko rin masisisi si Gau. Maganda si Zette na lalaki. He has a fair skin, medyo mataray lang tignan pero kapag ngumingiti halos mawala na ang mata, parating malinis, normal na mapula ang labi, makapal ang pilikmata maging ang kilay nito. Sakto lang ang katawan at tangkad medyo matangkad lang si Gau. Nasa 5'7 ata si Gau habang nasa 5'5 naman si Zette.

Si Gaudence naman matangkad, medyo moreno, tamad mag-gym pero noong nag-gym daw si Zette ay sumasama na ito kaya medyo buff na ang katawan. Kami lang ata ni Kir ang walang exercise routine kasi puro na lang lessson plan ang inaatupag.

"Order na lang tayo pagkain tapos inuman na lang."

"Let's invite Vera, Kir." Parang napantig na naman ang tainga ko. "Even your friend Jelay. Para hindi iyong tayo lang."

Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Zette.

Tinawagan ko sina Jelay at Jozh maging si Vera. Nahiga ako sa lap no Kir habang si Gau naman ay ginawang unan ang likod ni Zette na kasalukuyan na kasing nakadapa habang busy sa librong binabasa si Kir naman cellphone ang hawak.

After an hour ay dumating na ang order ni Gau kaya lumabas kaming dalawa para bumili na ng inumin. Sina Zette at Kir naman ang naiwan para iayos ang pagkain. Medyo madilim na rin dahil hapon naman na kami umalis.

Pagkarating ng lahat ay kumain na muna kami at ayon diretso inuman after an hour na panonood ng movie. Nakadikit lang si Kir buong oras.

Nakapalibot kami sa isang mesa. At nagsimula ng paikutin ni Jelay ang shot glass.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon