41st

700 24 5
                                    

Chapter 41

I will stay 3 days here in Thailand. I can't leave Philippines due to some works lalo na at nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa libro ko. Sinabi ko rin na mas gusto ko magstay sa condo sa Pinas. Bibisita-bisita na lang ako kaya tawang-tawa siya sa sinabi ko at ayaw maniwala. Kaya ko siyang gastusan sana aware siya.

"Akala mo kapitbahay lang ang Thailand," sabi niya na ikinasimangot ko.

"Why wala ka na namang bilib sa akin eh."

Mas lalo siyang natawa at pilit na isinisiksik ang katawan niya sa akin. Matapos ko kasi maglinis ng katawan dahil lagkit na lagkit na ako panay siya siksik sa akin. Miss niya na raw ang amoy ko. Kanina pa siya parang tuko na nakakapit sa akin.

Hinayaan ko na lang dahil sa katunayan pagod na ako at antok. Ni hindi ko na nga napigilan na makatulog. Nang magising ako ay nakatitig pa rin sa akin si Bryce.

Kanina pa ba siya?

"How long have I been sleeping?" I asked in my bedroom voice.

Napatingin ako sa bintana kaso tinakpan niya ng kurtina.

"3 hours, baby. We should eat."

Dahil sa tinatamad pa ako ay yumakap na lang ako sa kaniya.

"5 mins."

Hinayaan niya ako dahil pagod naman talaga ako. Matapos ang ilang minuto ay ako na rin ang nag-aya na bumangon. Naligo siya bago ako. Baka pag nagsabay kami lampas lunch time na kami makakain.

Dinala niya ako sa isang restaurant. Dahil sa wala pa akong kain medyo dinamihan niya na ang order pero iba-iba lahat. Kilala niya na ako kahit anong gutom hindi ako makakaubos ng order ilang order. Para maexplore ang pagkain isang order na lang lahat.

"Should I call your brother?" he asked.

Umiling ako. "Istorbo lang iyon. Tsaka na pagpaalis na ako. He's having a great time with his boyfriend so let them."

Natawa siya bago niya ako kinuhanan ng pictures. Medyo nabobother ako kaya sinamaan niya ako ng tingin.

I'm not used to taking pictures.

"Stop! You're handsome, baby. I want to have plenty of pictures of yours."

Wala na akong nagawa. Kahit ata kamay ko kinukuhanan ng pictures. Hanggang ngayon hindi nagsisink in sa akin na boyfriend ko na siya. I mean who wouldn't believe that I'm just attracted to him at first now he's in love with me.

"G'wapo?" tanong niya nang mahalata na nakatitig ako sa kaniya.

"Yeah. Sobra."

Nagulat ako dahil lumipat siya sa upuan. Isinakbit nito ang braso sa braso ko sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko. He's been clingy when I get here. I love him even more when he's like this. My big baby.

"Where do you wanna go? " he asked.

"I wanna spend my day with you. I don't even think of any place. Just on your condo."

Natawa ako nang sandaling bahagya niyang tinapik ang balikat ko. I know what he's thinking. This guy! Well we just did it before he went here in Thailand. Damn! I miss him too.

"Uwi na tayo?" he asked while I saw how he even grinned. "Pwede naman natin... you know."

"Nope. I want to eat, Bryce. You and your dirty mind."

Baka nangangamatis na naman ako dahil sa pinagsasasabi ng lalaking ito. Minsan talaga walang preno bibig nito. Gutom ako ngayon. If he'll have me I don't think I can't last any longer. I'm now starving to death. Tamad kasi ako kumain or magprepare ng kakainin.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon