7th

942 26 0
                                    

Chapter 7

Nakapasok nga ako at nabigyan na ng schedule. Hindi naman hassle kaya okay lang. 8pm ang pinakagabing duty ko. Hindi nga talaga umuuwi si Kir sa apartment. Kapag sa school naman hindi naman kami masyado nag-uusap. Si Carsen ang panay lapit nang lapit at si Jelay na mas naging clingy pa nga.

"Bryce, ano inom?" Pang-aanyaya na naman ni Jozh.

"Pass, may work ako."

Inayos ko na ang gamit ko dahil maaga dismissal namin ngayon kaya maaga ako papasok. Kailangan ko pa mag-grocerry bago pumasok dahil wala ng stock sa ref. Parati rin ako nag-uupdate kina mama at kay Kir kung ano na nangyayari sa apartment.

"May work ka?" Jelay asked.

"Saan?" Nanatili akong walang sagot. "Para mabisita ka naman namin."

"Ah eh." Napakamot ako ng ulo.

Masyado siyang lumalapit sa akin dahil sa nangyari. Kinausap ko naman siya na lasing ako at wala akong oras sa pag-ibig. Naiintindihan niya pero masyadong clingy talaga. Ako na ang lumalayo. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. 

"Bryce, let's go?"

Napalingon ako kay Kir habang ipinakikita susi ng motor niya. Kaagad ko naman nakuha ang pangsasalba niya kaya dinampot ko na ang bag ko at ang phone ko.

"Next time, guys!" Pahabol ko pa.

Inakbayan ko na si Kir at dire-diretso na kaming magkasamang lumabas.

"Mag-gogrocery ako now. Kailan balik mo? Almost 2 weeks ka na ah."

"Baka bukas  pa. I have my list here. I'll send it to you." Nang kumuha siya ng pera sa wallet niya ay inabot niya sa akin ang 3k. "Pasabay na lang. Hatid na kita."

Ngumisi ako saka inabot ang helmet na parati naman niyang dala. Pagkaangkas ko ay kaagad niya din itong pinaandar. 

Inihatid niya ako sa supermarket. Akala ko aalis na siya pero mukhang nagbago ang isip.

"Hatid muna natin sa dorm. Then sabay ka na sa akin."

Tumawa ako saka ko ginulo ang buhok niya.

"Love na love mo talaga ako."

Hindi na niya ako pinansin saka nauna ng maglakad. Kaagad akong humabol saka umakbay sa kaniya. Ako ang may dala ng cart habang siya naman ang panay kuha. Half-half ulit kami sa gastos kaya makakatipid na.

Inabot kami ng halos isang oras sa pag-grocery.  Matapos makabayad ay bitbit na namin ang pinamili namin. Medyo mabilis na rin ang pagpapatakbo niya ng motor dahil baka malilate na ako.

"Dalhin mo na motor ko. Kunin ko na lang. Ayusin ko muna pala itong pinamili "

"Magcocommute na lang ako."

"Dalhin mo na nga." Kaagad ko na kinuha ang susi dahil ayaw niya naman magpaawat. "Baka umuwi akong dinner. Change plan na sina Mommy."

"Sige."

Dahil sa motor niya hindi na ako nalate. Kinuha niya rin ito matapos ang halos ilang minuto. Hanggang 8 pa ang duty ko kaya hindi ko alam kung makakapagluto pa ako mamaya kaya sabi ko magdala na lang siya ng pagkain.

Hindi naman mabigat ang trabaho ko at talagang nakakagawa pa nga ako ng mva school works ko. At least kahit papano ay may kita ako sa isang araw.

After duty ay humihikab na akong lumabas. Nagulat pa ako na nasa labas si Kir habang malamlam na ang mga mata.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon