9th

863 30 2
                                    

Chapter 9

Kinaumagahan nagising akong mag-isa. Inumaga na ako sa paghihintay pero wala. Hindi ko alam kung ano nangyari dahil ni hindi man lang talaga siya nagrereply sa akin. Naglinis at naglaba muna ako sa damit ko bago ako pumunta sa trabaho para magduty ng dalawang oras. Dala ko na ang polo shirt ko sa trabaho para hindi na ako pumunta sa dorm.

Nakailang tingin pa ako sa phone ko pero wala talaga kaya pinag-aralan ko na lang ang slides na kailangan ko ireport mamaya habang nagbabantay sa shop.

Nang matapos ako sa duty ko ay sumakay na ako ng tricycle papunta sa school. Pagpasok ko ay nag-aayos na ang unang grupo habang si Carsen naman ay nilapitan ako.

"Ano? Okay ka na? Naiintindihan mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ah oo. Pinag-aralan ko naman na kanina pero kinakabahan pa ako."

She tapped my shoulder a bit and smiled at me.

"Kaya mo iyan! Kasama mo ako. I mean kasama mo kami."

But I can't see Kir.

"Where's Kir?" Nagkibitbalikat lang siya.

Bago pa magsimula ay dumating si Kir. Halatang wala siya tulog. Naupo siya sa pinakahulihan. Wala naman na kasing seating arrangement pa. Nasa may malapit ako sa unahan kaya hindi ko maiwasan na lumingon sa gawi niya. Nakaubob na ang mukha niya sa braso niyang nasa desk.

Natapos ang first reporter na wala akong naintindihan. Nang tumayo si Carsen para ipresent ang PowerPoint presentation namin ay tumayo na ako. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng ulo ni Kir dahilan para magtama ang mga mata namin.

Hindi siya nag-iwas ng tingin pero hindi niya ako tinignan ng matagal.

Nang makapag intro na si Carsen ay naunang magpresent si Kir. Binasa niya ang slides at nag-explain at nagbigay ng mga halimbawa. Mabilis din iyon natapos dahil mukhang ayaw at wala talaga siya sa mood. Sumunod na ako at pinagbabasa ko ng slides ay ang mga kaklase ko.

Report ko, discuss nila.

Nang matapos ako ay ang huli naman ay si Carsen. Kinuha ko ang ballpen at cellphone ko saka ako naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Kir.

"Uuwi ka later?" tanong ko.

"Saan?" tanong niya habang nasa unahan pa rin ang tingin.

"S-sa dorm."

Oo nga naman. Alin nga ba ang kinoconsider niyang uuwian. Malamang bahay nila.

"Hindi ko pa alam."

"Ba't di ka nagsabi na di ka uuwi?" Dagdag ko pa. "Nag-antay ako."

Ipinakita niya sa akin ang susi na hawak niya.

"Pwede ako umuwi kailan ko gusto."

Hindi na niya ulit ako kinausap pa. Naiintindihan ko naman na wala akong pakialam pero sana magsabi siya. Hindi iyong para akong tanga na naghihintay at nag -iisip kung okay lang ba siya o uuwi ba siya.

Maging ako ay natahimik na buong period. Panay ang pangungulit ni Carsen pero hindi ko masabayan. Paglabas ko naman ay naghihintay si Jelay.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon