Epilogue
Bryce x Kir
Si Brylle ang sumundo sa akin sa airport kasama si kuya Kody. Tanggal angas ko kay kuya sir, pogi pa rin kahit may isang anak na. Nagulat ako na may kasama pang bulilit. Natawa ako na ibinukas ko ang dalawang kamay ko sabay upo para salubungin ng yakap ang panganay namin.
"Tito Daddy!"
Matapos niyang makalapit ay kinarga ko siya diretso saka na rin yumakap si Brylle at tinapik ni kuya Kody ang likod ko.
"Ano plano after this, Bryce?" tanong niya.
Kinuha na ni Brylle ang mga maleta ko at tumulong na rin si kuya dahil karga ko si Bram.
"Magstay na sa tabi ng kapatid mo, kuya sir." Sabay kindat ko. "Dito na ako sa Pinas for good. I wanna spend my time with Kir."
"Tama ka diyan, kuya! Ang tamad pa naman ni kuya Kir! Parati iyong napapagalitan nina tita at mama. Kung hindi mo hahatidan ng pagkain or ipapaalala na kumain hindi kakain. Alam mo kung bakit?" tanong ni Brylle.
"I know my husband well, Brylle. Kaya nga dito na ako. Tsaka nakabili na ng lupa si Kir. Magsisimula na ako magpatayo ng bahay."
May kinikita na ako sa pagiging content creator at dahil sa k'wento ni Kir na naihahalintulad sa k'wento namin at content ko ay maraming brand ang kumukuha sa amin para sa advisements. Well tinanong ko if okay kay Kir, umu-oo naman siya.
Kahit hindi na ako magtrabaho may sugar daddy na ako.
Dumiretso kami sa bahay. Nakita ko na nakahiga si Kir sa kama ko dahil kakatapos lang mag-grocery para sa graduation ni Bea tomorrow. Hindi alam ni Kir na ngayon ang uwi ko kaya magugulat ito dahil bukas pa ang alam niya.
"Tito Daddy!" sigaw ni Kirsten sabay yakap sa binti ko. "Miss you so much!"
"Don't scream, Kirs. Your tiro papa was sleeping."
Tinakpan niya naman kaagad ang bibig niya na ikinatawa namin.
"Pakainin mo iyang asawa mo pagkagising, Bryce. Alis na muna kami at magpapaganda."
Natawa ako kay mama saka yumakap bago sila umalis. Si Brylle naman ay sumama kina kuya Kody para ihatid muna ang kambal sa nanay nito. Naiwan kami ni Kir. Matapos ko magpalit ay tumabi ako sa kaniya at pinanood siyang manood.
"My angel-demon husband."
Bahagya ko pinindot ang ilong niya dahilan para unti-unti siyang dumilat. Gulat na gulat pa siya ng makita ako sa tabi niya.
"Am I that excited to see you here?" tanong niya na tila hindi naniniwala sa nakikita. "Am I still asleep?"
When I pulled him and kissed him passionately he just kissed back. I smiled between our kisses. Who would've thought that I will be his husband and we're gonna be partners for life.
"I thought bukas ka pa."
"It's a surprise, baby. Now let me rest." I hugged him like he was a stuffed toy. "So soft."
"Nasaan sina mama?"
"Umalis po para magready para bukas. Umalis na sina kuya Kody at Brylle para ihatid muna ang kambal. In short tayo lang po nandito. Now let me rest with you. Jetlagged."
Nang maalala ko pa na wala siyang kain iminulat ang mga mata ko.
"Hep! Tayo na! Kakain pala!"
"Ayoko." Nakanguso na naman pero hindi oobra sa akin iyon. "Tayo na diyan. Kapag hindi ka tumayo ikaw maghuhugas lalaba ng mga dala kong damit."
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomansaBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024