Chapter 15
Ngayon mas narirealize ko na ang gustong sabihin nina Jelay at Kir. Namimisinterpret na pala ng mga tao ang mga kilos ko. Na kahit wala naman akong ibig sabihing iba, iba ang pagkakakuha nila.
Nagmamabuting tao ako nakakasama pa pala. Red flag na pala ako para sa iba.
Simula noon dinidistansiya ko na ang sarili ko. Nakakaguilty na hindi ko naman kayang ibalik sa kanila ang nararamdaman nila para sa akin. I can't just take a risk!
Hindi ko kaya!
[Kuya, sabi daw ni Lola magpakumbaba raw tayo,] sabi ni Bea na halatang may pagtatampo sa boses nito.
Naiimagine ko na naman ang pagnguso niya habang nakataas ang mga kilay. Nagpadala si papa ng kahon pero kina Lola bumagsak. Iyon din ang hindi ko gusto sa ugali ni papa. Parang hindi kami ang pamilya.
[Kulang na lang magkandakuba-kuba na tayo kakapakumbaba eh!"] Napansin ko ang bahagyang pagtawa ni Kir dahil sa narinig mula kay Brylle.
Hindi na nga siguro talaga mga bata ang kapatid ko. Napapansin na nila ang mga bagay na pilit kong inuunawa kahit hindi ko naman talaga maintindihan.
[Tama si kuya Brylle, kuya Bryce! Puro na lang tayo ang kailangan mag-adjust para sa kanila! Tahimik lang kami ni kuya that time pero sa isip-isip may favoritism sila! Kahit noon pa!]
"Huwag kayo mag-isip ng masama sa kanila." Pagsasaway ko.
Masyado pang mga bata ang kapatid ko para makita nila ang mga bagay na ganito sa pamilya ng side ni papa. Ayoko na ganito ang itatak nila sa isip nila. Okay lang na ako ang magkunwaring walang nakikita't naririnig huwag lang ang mga kapatid ko.
[Kuya, alam naming matanggap ka! 5'11 ba naman... kailangan yumuko kapag alam mo sa sarili mong mauuntog ka pero huwag masyadong yumuko, kuya! Taas noo dapat tayo! Gumanti tayo sa paraan na tayo lang ang makakaalam pero makikita nila!]
Napailing na lang ako sa pinagsasasabi ni Brylle.
[Huwag kang magpanggap diyan, kuya! Kilala ka namin! Pansin mo iyon kasi parati namang harap-harapan nilang ginagawa! Stop that act!] Pangaral pa ng bunso namin.
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang usapan namin. Hindi ko inaasahan ang maririnig ko mula kay Kir.
"Well halos dalawang centimeter lang lamang mo sa akin sa tangkad pero 'di ako katulad mong people pleaser, Bryce." Tinaasan ko ng kilay si Kir dahil sa pagkampi nito sa mga kapatid. "Nakakapagod din umunawa sa mga taong halatang ayaw naman sa'yo. Huwag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong kapag nakatalikod ka iba na ang kwento. You see naman that I'm distancing myself from Carsen because of that reason. Hinding-hindi naman ako magiging mabuti sa paningin ng mga taong tinignan na ako ng masama unang beses pa lang. If ayaw nila sa akin, ayaw ko rin sa kanila. Easy as that! Kasi kung sasanayin ko, madudurog at madudurog lang ako everytime may maririnig at makikita ako."
Iyon na ata ang pinakamahabang sinabi ni Kir sa akin sa panahon na magkasama kami.
People pleaser? Siguro nga. Wala eh. Normal na lang na lumalabas sa pagkatao ko.
Ganoon pa rin ang sitwasyon namin ni Carsen. Dahil sa isang event namin sa organization ng program namin ay marami akong natanggap na sulat from freshmens. Nakakaoverwhelmed pero si Carsen hindi natutuwa.
"Bakit mo ba kasi kinuha iyan?" tanong niya. "Baka ano pang isipin ng mga iyon."
"Remembrance lang. Ba't ba?" takang tanong ko. "Tsaka mas okay nga ito eh. May remembrance ako!"
Ang higpit niya kahit hindi ko alam saan siya kumukuha ng confidence para ipakita iyon sa akin. Hindi niya ako pagmamay-ari.
"Kir!" Pagtawag ko nang makita ko si Kir. He's wearing a black short sleeves polo short and a trouser pants. "Tubig?"
Iniabot niya ang tumbler niya sa akin pagkalapit ko.
"Wanna play?" tanong ko kahit alam ko na ayaw niya.
"Masyadong mainit. Ayoko maggagalaw-galaw."
Naupo kaming tatlo sa isang concrete na upuan. Uminom ako sa tumbler ni Kir habang si Carsen naman ay panay ang pagpaypay gamit ang kamay niya na tila nakatulong para maibsan ang init.
"Kir, tulog ako mamaya sa inyo ah! Gabi na matatapos ang event."
"Ihahatid kita," matabang na sabi ni Kir.
"Pagod ka na. I'll sleep na lang sa sofa."
"Huwag makulit, Carsen! Ihahatid kita. Hindi papayag sina tito alam mo iyan kahit ako pa kasama mo! Ihahatid kita tapos ang usapan!"
"Ang sama mo." Bumuntonghinga ako dahil hindi ko na talaga naiintindihan ang ugali nitong si Carsen. "Parati ka na lang ganyan."
"Huwag mo kasi ipilit ang gusto mo! Ikaw lang din ang magsusuffer sa huli! Kapag pinayagan kita baka ilang minuto pa lang nakakalipas sinundo ka na ng papa mo at pinagalitan pa sa bahay. Huwag mong sabihin na parang ang sama ko dahil alam natin ang pwedeng mangyari diyan sa pagsuway mo!"
Inakbayan ko si Kir pero kaagad niya ring inalis. Apaka-arte talaga.
Nang may tatlong babae ang lumapit ay napaayos ako ng upo.
"Hi." Pagbati ng mga ito habang nakatingin kay Kir. "Gusto lang sana namin makipagkilala! We're part of the officers. My name is Kerah! And this is Miles and Ven."
"I'm Kir." Pagpapakilala ni Kir.
"You looks good!"
Kir just smiled and nodded a bit.
"Pwede bang magpapicture doon sa org both?" Tinignan ko si Kir pero tipid lang itong ngumiti sabay tango.
Naningkit ang mga mata nang sandaling tumayo siya para sumama sa tatlo.
"May girlfriend?" Narinig ko pang tanong sa kaniya at tamad naman siyang umiling. "Buti naman. Baka may magalit pag papicture namin. We're safe naman pala, girls! Let's go."
Gusto ko sumama hindi man lang ako isinama. Nakakasama ng loob talaga minsan itong lalaking ito!
"Ibang-iba na si Kir. Parang may galit siya sa akin."
Nilingon ko si Carsen sabay iling.
"Can't you see and appreciate his effort? Para sa ikabubuti mo lang ang ginagawa niya ta para na rin sa sarili niya! Buti nga may pinsan kang may pakialam sa'yo! Sa side na pamilya namin walang ganyan, Carsen. Makikita ka lang nila kapag may kailangan sila sa'yo or para lang ipamukha kung hanggang saan ka lang."
Gusto ko na rin linawin sa kaniya ang lahat. Ayoko na habang tumagal umaasa siya sa wala.
"Iba na lang gustuhin mo, Carsen! Huwag na ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko na kaya. Hindi ka ba napapagod?" tanong ko.
Napayuko siya. Ayoko makasakit pero kung patuloy siya magbubulag-bulagan magkakasakitan lang kami pareho. Pareho lang kaming mauubos.
"Gusto ko lang naman may gawin para magustuhan mo."
"At sana rin maintidihan mo na hindi lahat ng gusto mo pwede. Hindi lahat ng gusto mo nasusunod. I'm sorry pero nauubos mo ako. Para akong kandilang may sindi kapag magkasama tayo. Nauupos ako. Hindi kita magugustuhan kasi may iba akong gusto. May nagugustuhan ako."
"Si Jelay ba?" tanong niya na ikinailing ko.
"Huwag mo na alamin. Let's be friends na lang. Iyon lang talaga ang kaya ko pagdating sa'yo. Wala ng iba."
Nakita kong umiyak siya kaya nagulat ako. Nataranta ako bigla. Lagot ako kay Kir kapag nakita niya ito.
"C-carsen, huwag ka namang umiyak! Baka ano isipin nila." Natatarantang sambit ko.
"Hindi mo ako iiwasan after this?" Umiling ako. "Hindi ka mawawala?" Tumago ako.
"Hanggang kaibigan, Carsen. Hanggang doon lang."
"Gusto kita. Gustong-gusto! Ayoko na kasing walang gawin para magustuhan ako pabalik ng tao. Nakakasawa na mag-antay. Gusto ko may gawin. Pero wala eh! Di ako ang gusto mo. Di ako ang mahal mo. Pero promise mo talaga ah." I nodded. "Hindi ka mawawala?" I smiled and gentle gave her a hug.
"I like you, Bryce."
I thought matatapos na doon ang lahat pero nagkamali ako. Iba pa pala ang sasalubong sa akin. At iyon ang mas hindi ko inaasahan!
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024