38th

686 20 6
                                    


Yey! Double update tayo today! Thank you sa inyo. Happy 9k reads!!! Salamat sa lahat ng mga nagbabasa! Thank you sa pagsupport kina Bryce at Kir!!!


Chapter 38

Pagkabalik namin sa chapel ay marami na naman na ulit tao. Tinawag ako ni mama para mag-entertain ng mga tao kasama si Lola. Nagpaalam naman si Bea para lapitan ang kuya Brylle niya na natutulog na sa isang upuan.

Hinabaan ko ang pasensiya ko sa tabi ni Lola. Ngumingiti lang ako ng kaunti para bumati at magpasalamat. Huling lamay na ngayon dahil bukas ay araw na para tuluyang magpaalam.

Iniwan ako ni mama para tumulong siya sa pag-aasikaso sa mga bisita. Tumulong na rin si Bea matapos niyang iayos sa pagkakahiga sa mahabang upuan si Brylle. Dumating din sina Gau at Zette kasama sina Vera, Jelay, at Jozh. Si Kir na ang nag-asikaso nila at hindi naman sila nagtagal. Babalik na lang daw sila bukas.

Nang mapagod ay pasimple akong umalis. Nakita ko si Kir na tumutulong na rin kay mama. Nilapitan ko siya sabay yakap mula sa likuran niya habang may bitbit siyang tray. Swerte ko naman.

"May mga tao, Bryce."

Ngumuso ako saka umiling.

"Wala na akong pakialam. Wala naman silang ambag sa buhay ko. Mas may ambag ka pa nga eh."

Bahagya siyang natawa. Nang lumapit si mama ay dumiretso sa aming dalawa ni Kir at inilahad ang dalawang kamay niya. Hinawakan ko ang isa habang si Kir naman ay hindi alam ang gagawin kaya ngumuso ako upang ituro ang kamay ni mama. Binitawan niya muna ang tray at inilapag sa ibabaw ng mesa. Hawak ni mama ang tig-isang kamay namin ni Kir habang nakangiti.

"Ano game?" tanong ni mama na kahit ako hindi ko naintindihan.

Nang lumingon si mama sa likuran namin ay humihikab si Brylle habang nakasakbit ang kamay ni Bea sa braso niya.

Naglakad kami papalapit sa kabaong ni papa. Napapagitnaan namin ni Kir si mama. Si Bea lumapit sa tabi ni Kir si Brylle naman ay tumabi sa akin.

"Graduate na ang anak natin. Tapos mukhang may gustong sabihin ito." Panimula ni mama dahilan para matawa ako. "Ano, Bryce? Di pa ba ready diyan?"

"Si kuya halatang-halata naman na. Pakilala mo na," sabi ni Bea na tila kinikilig pa.

Sa unang pagkakataon ay tinignan ko ang mukha ni papa mula sa salamin. Hindi pa rin kasi talaga ako sumisilip. Hanggang sa litrato lang ako tumitingin kaya bigla na naman nagsituluan ang mga luha ko. Hinayaan nila ako na maging komportable. Hindi nila ako minadali. Nanatili sila sa tabi ko.

"Pa, s-sorry sa lahat." Panimula ko. "Saka ko na sasabihin lahat pero nandito pala ang taong hindi ko inaakalang yayakapin ako sa mga oras na kahit ako hindi ko inaasahan na kailangan ko pala."

Nilingon ko si Kir na nasa tabi ni mama saka nakangiti habang nagpupunas ako ng mga luha ko na nagpapaunahan sa pagbagsak.

"Jowa ko na sana iyan ngayon, pa. Pero postpone muna. Pero gusto ko siya ipakilala sa'yo. Siya lang... siya lang ang pinapangako kong makakasama hanggang sa pagtanda ko. Lalaki ang nagustuhan ko, pa. Matatanggap mo kaya? Matatanggap mo ba ako?" tanong ko.

Binitawan ni mama ang kamay ko saka ako niyakap ng mahigpit. Para akong batang umiiyak dahil naagawan ng candy at nagsumbong sa nanay.

"Mahal namin kayo. May mga bagay na alam namin na nagkulang kami pero, Bryce, sana iwan mo na rin lahat-lahat ng tampo mo sa papa mo. Para makalaya ka. Ayoko ikulong ang sarili mo sa nakaraan." Nang bitawan niya ako ay hinarap niya si Kir. "Welcome to the family, anak. Alagaan niyo ang isa't-isa ni Bryce. Nandito lang ako palagi. Para sa inyo."

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon