Chapter 18
Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa mga sinabi niya. Nakakaoverthink. Hindi ba siya straight? Kahit si Vera hindi rin makapaniwala sa narinig.
Matapos niyang makapagpasalamat kay Vera ay nagpaalam na rin si Vera na kailangan na niyang umuwi. Dahil may motor naman siya ay hinatid ko lang siya makalabas sa dorm. Pagkaalis niya ay binalingan ko si Kir na nakahiga na sa sofa habang nakatakip ang braso sa mga mata niya.
"Papasok ako. Reporting namin mamaya. May kailangan ka," tanong ko dahil alam ko na hindi pa naman siya tulog.
Gusto ko lumapit sa kaniya kaso ayoko. Masyadong marami ang nangyari. Hindi na alam ng isip ko ang uunahing isipin. Tapos reporter pa ako mamaya. Masyado ng maraming gumagambala sa isip ko.
"Use my motor," he offered.
Tumango ako kahit hindi niya naman kita. Ayoko na lang makipagmatigasan sa kaniya ngayon.
"Magluluto na ako bago umalis. Kumain ka at uminom ng gamot para sure na gumaling ka na talaga."
Nang ibaba niya ang braso niya ay napaiwas ako ng tingin. Naghaharumitado ang puso ko. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya ng matagal. Iniwan ko kaagad siya para magluto ng tinola. Matapos ang lahat ay umalis na ako dahil 10am ang pasok namin.
Pagkarating ko sa paaralan ay kaagad hinanap ng mata ko si Jelay. Nakita ko siya sa tabi na busy sa cellphone niya.
"Jelay." Nilingon niya ako nang sandaling tinapik ko ang balikat niya. "Ready ka na sa report natin?" tanong ko.
"Oo. Wala raw si Carsen hindi makakapasok. Anyari doon?" Nag-iwas ako ng tingin sabay kibit-balikat. "Sure ka na hindi mo alam?"
"Oo."
Umiling-iling na lang siya sa akin sabay check sa powerpoint namin. Hindi lang naman kami ang reporter ngayong araw pero kami ang unang isasalang. Ni hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang topic na naka-assign sa akin.
"Mag-ready ka. May bida-bida pa naman tayong kaklase kung minsan. Alam naman na ang sagot, magtatanong pa para itest kung talagang alam mo topic mo."
"Bahala sila. Gaganti ako."
Matapos makapagset-up at makapag-attendance ng prof namin ay pinagsimula na kami. Sinabi ko na may lagnat si Kir at buti na lang hindi na nanghingi pa ng kung anong patunay.
Habang nagrereport ako ay pinapabasa ko sa kanila ang slides ko. Masyado ukupado ang isip ko kaya pati sa explanation sa kanila ako humihingi ng ideya then inielaborate ko na lang. Buti na lang nairaos ko naman ang 6 slides na nakaassign sa akin.
"Report ko, explain niyo."
Natawa ako sa pagpaparinig ni Jelay matapos ang klase namin. Sila kasama ko maglunch dahil may next subject pa kami. Kanina pa ako panay type sa cellphone ko kung paano ko sasabihin kay mama ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang mga salitang kailangan ko sabihin para lang hindi siya magulat.
Matapos kumain ay lumayo muna ako sa kanila. Pumunta na ako sa building kung saan ang next subject namin. Tumambay muna ako sa corridor at pilit na naghahanap ng tamang salita.
Napakamot na lang ako ng batok ko dahil mukhang wala namang tamang salita ang pwede ko gamitin para hindi magulat pa si mama. Lagot ako.
Pagpasok ko sa huling subject namin ay nakatulog ako. Buti na lang pinagtakpan ako nina Jozh. Nagising na lang ako na matatapos na ang reporter para sa araw na ito.
"Oh."
Inabutan ako ni Jelay ng chocolates. Tinanggap ko na lang. Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako. Linggo na bukas at hindi ko na alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024