11th

937 26 0
                                    

A/N

Hindi pa sana ako mag-uupdate kaso need ko rin maglabas ng sama ng loob sa course ko haha. Char! Enjoy reading!

Chapter 11

Nang malapit na ang finals ay halos nagsabay-sabay ang ginagawa namin. Ilang araw na kaming walang tulog puro reporting, portfolio, lesson plans, instructional materials, at marami pang iba. Nagleave ako ng ilang araw dahil hindi talaga kaya. After naman ng exam namin doon naman na kailangan ulit namin mag-enroll para sa 2nd semester. Umuwi muna ako sa amin at doon tumutuloy after ng duty ko dahil nagtatampo na rin sina mama. Ganoon din si Kir, bumalik lang siya sa dorm noong nag-enroll at umuwi din ulit sa kanila.

Mas hectic pa ang magiging schedule namin dahil sa sampo ang subject namin at may 30 units. Ito na ang pinaka-hell sem sa college, 3rd year... 2nd sem. Iyon ang parating sinasabi sa amin kaya medyo nagreready na ako.

Unang linggo pa lang ng pasok namin ramdam na namin ang bigay. Ilang subject ang nagsabi na na magdedemo kami sa finals. Halos lahat ay may reporting. Ang iba individual ang iba naman ay groupings.

"H*yop parang mawawalan na ako ng dugo sa mga assigned tasks na ibinigay sa atin ngayong linggo. Tatlong subject ang magpapademo teaching ang dalawa midterm at finals. Pito lahat may reporting. What if tayo na lang ang tumanggap ng sweldo?" Inilingan ko si Jozh na halatang stress na habang tinitignan ang isang piraso ng papel kung saan nakalagay ang mga expected na gagawin namin at mga assigned tasks na napunta sa amin. "Halos pa lahat ng reporting na naassign sa akin finals pa. What if mag-asawa na lang ako?" tanong niya pa sabay gulo sa buhok ko.

Nakita ko si Kir na kasalukuyang may dalang softdrinks habang naglalakad na parang problemado din talaga.

May dalawang groupings na magkasama kami. Habang tatlong subject naman ang individual reporting kaya wala akong maasahan.

"Una na ako, p're. Tulog muna ako may duty pa ako para mamaya."

"Sige! Uwi na rin ako! T*ngina hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko."

Isa lang si Jozh sa halos mabaliw kakaisip sa dami ng gagawin namin. Sumabay ako kay Kir pauwi sa dorm. Matapos ko magpalit ay hindi naman ako makatulog. Mabigat sa pakiramdam kaya tumayo na lang ulit ako saka lumabas sa k'warto. Nakita ko na nanonood na naman ng korean series si Kir sa sofa habang kumakain ng popcorn na mukhang nabili niya lang sa labas dahil nakarepack ito.

Dahil nasa gilid siya ay nahiga ako sa mga hita niya habang yakap ang unan na dala.

"Ang init, Bryce. Lumayo-layo ka at baka mabugahan kita ng apoy!" May diin na pagbabanta niya.

"Hindi ako makatulog," sabi ko.

"Oh anong pakialam ko?"

"Hindi ka ba pressure? O magaling ka lang magtago?" Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya naupo ako sa tabi niya. "Parang wala lang sa'yo lahat!"

"Bahala na," matabang na sabi niya.

Bumuntonghininga ako saka nakinood sa pinapanood niya para maaliw kahit papano ang sarili ko pero halos masuka ako. Madugo ang pinapanood niya kaya hindi na ako humarap sa monitor ng laptop niyang nasa center table. Nahiga na lang ulit ako pero hindi ko na ginawang unan ang binti niya.

Nang hindi talaga ako makatulog ay umupo na lang ulit ako. Nilingon ako ni Kir sa pamamagitan ng matatalim niyang tingin.

"Ano oras duty mo?" tanong niya.

"4pm."

Nang tumayo siya saka pinindot ang laptop niya ay nakita kong isinara niya muna ito.

"I'll cook something. Wait for me here."

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon