33rd

885 28 5
                                    

Chapter 33

Nagising ako na medyo nangangalay ang mga braso ko. Paglingon ko nakatalikod na si Kir sa akin pero naka-unan pa rin sa braso ko. Dahan-dahan ko inangat ang ulo niya dahil hindi ko na talaga maigalaw ang braso ko. Ilang minuto pa bago ko naigalaw ang braso saka ako lumipat sa kabila para ako ang bumungad pagmulat niya ng mata.

Ilang minuto lang ay dahan-dahan na rin siyang nagmulat.

"Good morning." Pagbati ko sabay haplos sa buhok niya.

Itinago niya ang mukha niya sa may dibdib ko dahil nakaside ako.

"Morning," he greeted back.

Kinuha ko ang phone ko sa tabi at nagchat na pala si Gaudence.

Gaudencio iyakin:

Bangon na. Nag-order na ako ng pagkain.

Nilingon ko ulit si Kir na busy sa pagscroll sa tiktok. Nalingat lang ako saglit iba na naman ang pinagkakaabalahan. Yumakap ako sa baywang niya at sumiksik sa leeg niya.

"Nagchat na si Gau."

"Breakfast?" Tumango ako. "Let's go. Nagugutom na ako."

"5 mins."

Walang aalis hanggang hindi ako nakakayakap ng matagal.

"Gutom na ako, Bryce." Nang sandaling tumunog na ang tiyan niya ay tinignan ko siya at tinawanan. "At talagang masaya ka pa?"

Nang inalis niya ang kamay ko at kaagad na nakababa sa kama ay dali-dali akong sumunod. Habang busy siya magtoothbrush ay nakabackhug lang ako. Nilagyan niya na rin ng toothpaste ang toothbrush ko sabay abot sa akin.

"Saiyo talaga ito?" tanong ko na tinutukoy ang unit niya. "Kailan pa?"

"Almost 1 year na itong akin. Regalo mga kuya ko. Iyong kuya ko na nasa bahay last time si kuya Kody iyon... siya iyong prof sa isang college university. Nasa ibang bansa naman si kuya Kleo."

"So bakit ka naghanap ng bedspacer?" tanong ko bago nagsimula na magtoothbrush.

"Ayoko magdrive ng sobrang layo. Tsaka iyon parents ko ang nagbabayad. Sabi ko naman sa'yo dati na lahat ng gusto ko makukuha ko. Kahit hindi ako manghingi ng pera dumidiretso na iyon sa ATM card ko."

Sana all direkta. Hiya naman sa papa ko masyadong mabait.

Ako gustuhin ko man dati na maging independent wala akong pera. Paano ako maghahanap ng matutuluyan wala akong pambayad. Sakto lang talaga para sa amin ang pinapadala ni papa kaya ending bahay talaga. Pero buti kahit papano nakatakas na ako sa bahay.

"Wala ka pa pamangkin sa mga kuya mo?"

Umiling siya.

"Si kuya Kody ang may jowa matagal na sila pero career muna raw. Corporate lawyer si ate eh. Si kuya Kleo wala pa nasasabi."

"Close kayong tatlo?"

"Mas close ako kay kuya Kleo. Pero okay naman kami ni kuya Kody pero mas ramdam ko na safe ako at lahat ng rants ko kay kuya Kleo."

Well hindi naman talaga natin maiiwasan sa magkakapatid na ganito. Kahit sa aming tatlo. Kaya talagang kinausap ko dati si Brylle lalo na at wala ako sa bahay. Siya ang maasahan ni Bea habang wala ako kaya hindi pwedeng hindi sila magkasundo.

After ng inuman namin balik kami sa pagiging intern student na kabado at busy sa final demo. Sinamahan ko si Kir sa cooperating school niya para ihatid dahil sa dami ng bitbit niya dahil nilalagnat si Zette at may morning class naman si Gau. Ako ang hindi mapakali habang nasa school ako pero nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niyang success. Dumating ang hapon ay ako ang sumundo ulit sa kaniya. Inuwi namin ang gamit saka kami lumabas para magcelebrate.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon