13th

858 26 5
                                    

Chapter 13

Ilang araw na akong umiiwas sa ibang tao. Parating nakasunod ako kay Kir dahil school-dorm lang siya parati. Talagang gumagala lang siya kapag inaaya ko or kaya naman minsan ay umuuwi siya sa kanila. Paminsan-minsan bumibisita si mama at dinadalhan kami ng pagkain.

Minsan iniisip ko na si Kir na ata ang anak noya dahil masyadong clingy itong si mama kay Kir. Alagang-alaga kung baga.

Hindi pa ako nakikipag-usap kay Carsen dalawang linggo na ang nakakalipas. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin pag nagkataon. Nagsabi lang ako noong araw na gusto niya kami magkita na may shift ako kahit hindi pa naman ako pumapasok. Sumama na lang ako kay Kir umuwi at manood ng pinapanood niya.

Tulad na lang ngayon gumagawa kami lesson plan ni Kir pero bigla na lang nagpasundo si Carsen sa labas. Kulang na lang hilahin ko si Kir at sabihin na huwag dito pero nasa labas na ang pinsan niya.

Dumiretso ako sa k'warto at nahiga sa higaan ni Kir. Bahala siya kung magalit siya. Hindi naman ako galing sa labas. Kinuha ko ang isang unan at kaagad na niyakap iyon. Kaamoy niya. Amoy vanilla scented perfume.

Dahil nakita ko ang spare phone ni Kir binuksan ko ito dahil wala naman password. Binuksan ko ang Spotify at nakita ko na recently nakaplay ang playlist na ginawa ko.

Kaagad akong napangiti ng makitang mukhang good mood siya.

I closed my eyes as I opened the Life sucks playlist which is available in the app already. Music helps me sleep especially those sad or angst musics.

Wala akong trabaho dahil nagresign na ako. Ang baba rin kasi ng sweldo at may pinasukan akong bago. Next week ako pinapagsimula kaya halos inaayos ko na ang iilang pang final demo teaching ko this sem para hindi na hassle.

Si Carsen naman ay nagpapatulong kaya pumunta.

Nang marinig ko na sila ay mas isiniksik ko ang mukha ko sa unan ni Kir. Gusto ko magkunwaring tulog habang hindi pa ako nakakatulog.

"Bryce?" Pagtawag ni Kir.

Hindi ako sumagot at walang balak pa. On the mission ako ngayon. Ayoko sa iba.

"Baka tulog?" tanong ni Carsen.

Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa k'warto. Since nakatalikod ako sa may pinto hindi ko alam kung sino nagbukas.

"Why he even sleeping on your bed? Ayaw mo ng ganyan ah!"

Nalintikan na baka ihulog ako nito. Kahit si Carsen alam na alam mga ayaw ng pinsan niya.

"That's fine. Hindi naman iyan galing sa labas. He even take a bath already. Wala pa siyang tulog kagabi. Busy sa lesson plans and presentations niya. Let's go. Sa labas na tayo."

Napangiti ako dahil sa narinig ko. Feeling ko may soft spot na ako kay Kir.

Hindi rin nagtagal ay totoong nakatulog na nga ako. Akala ko magigising ako sa sobrang init pero nakabukas naman na ang electric fan. Pagkuha ko sa cellphone at pagtingin ko sa orasan alas dos na ng hapon. Pinilit kong tumayo na dahil sa ramdam ko na ang gutom. Paglabas ko ay nakita kong tulog si Kir sa lapag habang si Carsen naman ay nasa sofa.

Dahan-dahan ako sa paglalakad. Naghilamos lang ako saglit saka dahan-dahan na lumabas. May malapit naman na kainan kaya lumabas na lang ako. Pagka-order ko ng pancit at turon ay naghanap na ako ng mauupuan. Humihikab-hikab pa ako dahil kagagaling ko pa lang sa pagtulog.

"Bryce!" Dahan-dahan ang paglingon ko at nakitang si Jelay iyon. "Ang dugyot mo."

Bahagya akong natawa at napakamot ng aking batok.

"Kagigising ko lang eh. Gutom na ako."

"Si Kir?"

"Tulog," maikling sagot ko sabay hikab ulit.

"Nakita ko si Carsen kanina. Sinundo ni Kir sa labasan. Kasama niyo?" Tumango ako. "Kayo?" Umiling ako. "Akala ko pinagbigyan mo."

"Bakit selos ka?" Pabiro kong tanong.

"Pagsinabi kong oo may mababago ba?" Umiling ako. "Kaya nga huwag kang sakay nang sakay, Bryce! Bibwiset ako sa'yo! Sana may nagsasabi sa'yo ng limitations mo!"

"Meron naman. Si Kir. Pero hindi ko makuha eh. Ba't ba? Gustuhin ba talaga ako?"

"May pagka-oa ka. You treat others like how you treat them special. You takes time for chats or calls. Even your act of service nagagamit mo sa lahat. Hindi ka man kasing pogi nina Jungkook pero nakakabwiset ang pakikisakay mo. Na kung hindi ka kilala iisipin nila na iyong ginagawa mo may meaning. Sana aware ka na si Carsen, parati mong pinapayungan, kahati sa pagkain, kasama, kakulitan, pagdadala ng mga gamit niya, at marami pang ibang actions na maaring magpahulog sa loob ng babae. Y-you treat me how you treat Carsen, and also everybody. Na kahit may linya ang isang babae sa pagitan niyo pwedeng maglaho dahil sa actions mo."

I'm just friendly? Ganito lang talaga ako. Ano bang mali. Tumutulong lang naman ako. Sumasagot lang naman ako. Nakikipagkaibigan lang naman. Anong masama roon?

"Kung may jowa ka tapos ganyan ka sa iba baka iwan ka kaagad. Sinasabi ko ito dahil ito minsan ang napapansin ko at nararamdaman ko. Minsan nafefeel ko na I think you treat me special pero alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga the way you treat others. After we kissed inaamin ko na I have this feelings for you at umasa. Pero I realized this is what you are."

"Je."

"So now... hindi ko sinasabi na hindi ka na maging gentleman sadyang kung ako sa'yo huwag kang pafall!" Halos may gigil na sabi niya sa panghuling sinambit niya. "Masyado ka kasing pafall. Akala ng babae nahuhulog ka na. Normal attitude mo lang pala. Always put a line, Bryce. Lalo na kung hanggang kaibigan lang kaya mong ibigay."

Matapos namin kumain ay iniwan ako ni Jelay. Hindi rin nagtagal dumating si Kir. Tumabi siya sa akin.

"Kausapin mo na si Carsen. Ilang araw ng naiyak." Napaayos ako ng upo at medyo hinarap siya. "Iyan na sinasabi ko sa'yo! She always feel special the way you treat her. Gusto ka ng pinsan ko."

"Umiyak siya?" He nodded. "She wants us to date each other. She's not asking but it feels like she's demands for it."

She sighed.

"Try mo. Basta mag-usap kayo. Don't let my cousin's cry."

"Pero ayoko itry, Kir."

"Why? May iba kang gusto?" He asked. "Then sabihin mo sa kaniya. Huwag kang duwag. Nakakasakit ka. Alam ko na di mo kasalanan pero huwag mong iwasan. Kausapin mo. Harapin mo. Huwag sanang umabot sa puntong pati ako magalit sa'yo."

Tatayo na sana siya ng hawakan ko ang papulsohan niya. Medyo nataranta pa ako kaya dagli kong binitawan.

Magalit na lahat huwag lang siya. He's the only one I trusted. Siya lang ang totoo.

"K-kausapin ko na. H-huwag muna ngayon. Please..."

"Basta kausapin mo. Naiinis na ako baka masuntok na kita."

Simula noon ay hindi ako kinausap pa ni Kir. Masyadong mas malamig pa siya. Makalipas ang iilang reporting namin ay doon na ako nakapagdesisyon na kausapin si Carsen pero mukhang nagkamali pa ako.

"Let's try. Ayoko ng no, Bryce. Let's date hanggang mahulog ka sa akin. I promise I'll do better."

"Carsen, no please."

"Don't worry. Ako bahala. I'll make sure na magugustuhan mo rin ako."

Sinabi kong hindi ko siya gusto. Sinabi ko na wala akong balak pero iba ang gusto niya at nawalan ako ng boses para sa sarili ko.

"Carsen."

"Ako ang bahala, Bryce! 2 month! I'll make sure na magugustuhan mo ako in 2 months!"

Gusto niya magdate kami hanggang sa matapos ang sem na ito. Mukhang hindi niya naman ako binibigyan ng pagpipilian. Bahala na.

Pero isa lang sigurado ako. Hindi ako mahuhulog. Ayoko mahulog sa katulad niya.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon