34th

832 30 10
                                    

Chapter 34

Dahil tapos na sa internship ay portfolio muna ang inayos namin. Nagkaroon kami kahit papano ng pahinga. Since kaunti na lang ay tapos na kami napagdesisyonan namin na lumabas ng isang buong araw at gabi. Tsaka aalis na rin kami doon dahil tapos na ang internship. Balik sa dati na naman.

Tapos na si Zette sa final demo niya kaya deserve namin na lumabas. Si Gau at Kir naman ang madami pera pero sabi ni Kir mas marami ang pera ni Gau ilang digits daw pero lowkey ang bading.

Dala ni Gau ang sketch pad niya para kahit papano ay makapag-outline raw siya. Nagbook kami ng villa para sa buong gabi namin.

Si Gau ang driver habang kami ni Kir ang nasa likod. Tulog na si Kir balikat ko dahil wala pang tulog kagabi dahil sa kakaayos ng mga documentation sa portfolio niya. Medyo nauna ako kasi marami pa siyang tinapos.

"Nagbebe time ba kayo?" tanong ni Gau habang nagmamaneho.

"Manahimik ka diyan."

Matapos akong makaidlip ay si Gaudence na ang katabi ko habang natutulog at nakasandal sa may bintana ang ulo. Nang umayos ako ng upo ay kumakain si Kir habang nagdadrive naman si Zette. Mukhang nagpalit na sila.

"Malapit na tayo. Gisingin mo na iyan, Bryce." Nilingon ko ang katabi ko na mahimbing ang tulog. "Huwag mo biglain baka masapak ka."

"Ayoko. Ikaw na pagkapark mo. Dadamay niyo pa ako. Baka lalo lang kami mag-away."

Nauna kami pumasok ni Kir. Kaagad naman kami inassist. After namin makuha ang susi ay inihatid nila kami sa k'warto namin. Magkatabi lang naman ang k'warto namin nila Zette at Gau. Ayaw din namin magkasamang apat dahil nauumay na kami sa mukha namin.

Dahil sa pagod ay napagdesisyonan na muna naming kumain. Para makapagpahinga muna saglit pagkatapos. Almost 2 hours din ang naging tulog namin bago kami lumabas. Nag-aantay na rin sila Zette. Nadatnan namin sila na naghahabulan sa tabi ng dagat.

Buti na lang at hindi mainit dahil madilim ang langit. Nakapamulsa si Kir habang naglalakad tila walang pakialam sa paligid.

"Mag-enjoy muna tayo. Huwag puro simangot."

"Mas ayos ng nakasimangot para hindi ako kinakausap ng kung sino-sino. Buti nga natatagalan kita eh." Tumigil ako sa paglalakad kaya ganoon din siya sabay lingon sa gawi ko. "Special friend."

Mas lalong umasim ang mukha ko sa kaniya.

"At para sabihin ko sa'yo ako lang din ang nakakatagal diyan sa pagsusungit mo. Special friend pala ah. Sige, p're."

Nakasuot ako ng black shorts at puting sando na may nakapatong na navy short sleeves polo. Hindi ko na ibinutones dahil may sando naman ako. Si Kir naman ay simpleng army green na short sleeves polo at white jeans shorts. Si Gau naman ay naka short sleeves black polo at nakabukas lang iyon kaya kitang-kita ang katawan niya habang si Zette naman ay naka-cropped top at shorts. Sa aming apat si Zette ang kayang-kaya magdala ng damit. Mapa-masculine, feminine, aesthetic, at kung ano-ano pa ay bumabagay sa kaniya. Kaming tatlo naman ay halos pare-pareho ang taste sa damit. More on short sleeves, shirts, shorts, at long sleeves kung manamit.

"After graduation parang gusto ko maging healthy living person," sabi ko ng biglang matawa si Kir.

I glared at him.

"Tamad ka, Bryce. Mas pipiliin mong kumain kaysa magbawas ng timbang."

Well malakas ako kumain hindi katulad ng kay Kir. Kahit ngayon ako talaga taga-ubos ng pagkain niya. Isang order lang para makarami ng dish dahil ako lang ang uubos ng lahat. Sakto lang naman ang katawan ko pero wala akong abs. Goal ko iyon after grad.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon