42nd

873 27 1
                                    

This is the final chapter of Kir Brixston San Buenaventura and Bryce Tailor Guevara's story! Thank you for supporting and having you'll with their journey! Happy reading!!!

Chapter 42

Ilang beses akong bumabalik sa Thailand to visit Bryce. Hindi perpekto ang relasyon namin. Syempre may tampuhan, away pero mas pinipili namin na magkaayos. Hindi oo rin maimagine ang buhay ko kung hindi siya. Now I have 2 days there because its our 3rd anniversary. Umuwi ako kina mama para maghatid ng groceries sa bahay.

I was doing this because I wanted to. Nasa isang dorm na rin si Brylle and he's taking civil engineering. Si Bea naman ay nasa senior high taking up ABM strand. And I was so stressed with this girl. She has a lot of suitors. Badtrip na ang mga kuya kaso ako lang ang nasa malapit so I was so stressed.

Minsan ginagawa pa akong props para tigilan na siya ng mga manliligaw niya. Iwan ko ba sa magkakapatid at lapitin ng mga ganito?! Even Brylle kahit si Bryce noon. Is it the genes?

"Nasaan si mama?" tanong ko sa nakabusangot na Bea.

"Umalis eh. Dumalaw kay papa."

"Ba't di ka sumama?" Inilapag ko ang mga pinamili ko habang siya naman ay naghahalungkat na. "Ayusin mo na iyan sa pantry."

"Hindi na kasi sabi niya bantayan ko ang bahay akala mo naman tatakas ito eh."

Napailing na lang ako saka ko binalikan aa kotse ko ang ilang mga pinamili ko.

"Kuya, kailangan daw ba next book signing mo? Nagtatanong mga classmates ko." Nang mailapag ko ang isang kahon ay nagsalin muna ako ng tubig. "Sikat ka doon eh."

"Hmm... after ng anniversary namin ng kuya mo."

"Kuya, sama mo naman ako next time." Tumango ako. "Tapos sama ako minsan sa inyo... miss ko na ang kambal."

Nasa kindergarten na ang kambal at ang susutil pareho. Single mom si Carsen at nagtatrabaho bilang call center. Work from home naman na siya. Kadalasan doon na ako tumatambay sa bahay para matulungan siya sa pag-aalaga sa kambal.

"Dami mong gusto," natatawang sambit ko na ikinaguso niya.

"Kailan flight mo?" tanong niya.

"Mamayang gabi. Bakit may ipapadala ka para sa kuya mo?"

"Ikaw lang naman kailangan noon. Huwag na tayong maglokohan, kuya. Sabihin mo umuwi siya sa graduation ko. Pag hindi bahala kamo siya, magkalimutan na kami."

After ko maayos ang pinamili ko ay sinundo ko si mama sa sementeryo. Nagulat pa siya na makita akong may dalang bulaklak. Nilapag ko ito bago naupo sa tabi niya.

"Ano oras flight mo?"

"Mamaya pong gabi, ma. Susunduin ko pa mamaya si Mommy eh."

Natawa siya saka ginulo ang buhok ko.

"Sige na at hindi na kami magtatagal ng son in law mo. Pagod na naman itong babyahe, papagorin pa ng anak mo."

"Ma!" Mas lalo akong namula habang siya tawa nang tawa. "Parang tanga naman, ma. Inilalaglag mo naman kami kay papa."

Tinulungan niya akong tumayo saka siya kumapit sa braso ko.

"Mauna na kami. Sa susunod naman na ulit."

"Bye, pa!" Pahabol ko bago ako hinila ni mama pabalik sa sasakyan. "Ma, kumusta kayo?"

"Okay na okay. Ang swerte naman namin sa'yo! Aba talagang pag si Bryce ang nagloko siya talaga ang itatakwil namin, Kir!"

Tinawanan ko na lang si mama. Matapos ko siyang maihatid ay sina Mommy naman ang sinundo ko galing sa seminar. Wala na naman akong pahinga. Ewan ko ba talagang hindi ako makaalis ng hindi pagod sa Pilipinas.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon