A/N
Sorry now lang nakaupdate. 3 days na akong tambay with degree, guys! Syempre sinong di matutulala na lang sa tabi diba?🙃 Gusto ko na lang maging hotdog or baby ni Kir ganoon😌 Enjoy reading 🍀
Chapter 27
Natapos namin ang observation and assistantship namin ng magkasama. Hindi ko na hinahayaan na maiwanan ko siya na kasama si Kiarra. Nagcramming sa pagsagot sa mga activities sa field study 1 & 2. Inayos mga DTR at mga final observation sheet namin. Nagbayad ng affiliation fee at nag-iwan ng mga souvenier sa mga naging CT namin at nagpaalam na rin sa mga batang nakasama namin. Matapos ang lahat ay naging busy naman kami para sa next sem. Enrollment, demo teaching, exit interview, application for graduation, at marami pang iba.
Pupunta ako sa paaralan na may dalang pera uuwi ako na resibo na lang ang laman ng wallet ko.
Hindi ko alam kung magkakasama pa kami ni Kir sa internship journey namin dahil nakadepende pa rin iyon sa exit interview, demo teaching namin bago kami ideploy sa mga perspective school namin.
Matapos maayos ng mga papel namin at mga uniform ay nagkaroon na rin kami ng pinning rites ceremony. Nalaman ko na magkaiba kami ng school ni Kir kaya medyo nalungkot ako. Dinala ko na rin ulit siya sa bahay at okay naman na sila ni mama. Hindi naman si mama nagalit kay Kir pero alam ko na may tampo siya sa pamilya nito.
Naghanap kami ng kahit bedspace lang. Mabuti na lang at may nakuha kami. Apat kami sa isang room. Kasama ko na si Kir at nakilala na rin namin sina Zette at Gau. Magkasama rin daw sila sa isang state university na malapit lang din. Zette is a education student while Gau is an architecture student.
Medyo mas maingay si Zette habang katamtaman lang si Gau. Mabait naman sila kaya naman hindi na ako kinakabahan na baka mabored si Kir dahil parati rin siyang kinakausap ni Zette. Magkaiba kami ng daan ni Kir patungo sa kung saan kami naassign. Hindi ko pa masyado kaclose sa kaklase ko ang nakasama ko.
Matapos namin madeploy at nakita ko ang magiging CT ko ay tila gumuho ang mundo ko. Matapos ko umuwi ay nag-aya ako na mag-inom kinagabihan dahil friday naman kami ideneploy. 1 week observation daw bago kami hahayaan na maghandle ng klase. Tahimik lang si Kir na hindi naman na bago pero paminsan-minsan ay nakakasabay na rin siya kay Zette.
"Malapit na rin kami ideploy baka isa sa inyo makakasama ko," turan ni Zette.
"Talaga? Sana si Kir," sagot ko.
"Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Harap-harapan naman, Bryce."
Natawa ako dahil para siyang naghihimutok na bata.
"Bantayan mo kasi iyan. Mahirap na. Huwag bantay salakay ah."
"Bakit? Ano meron?" takang tanong ni Gau habang sumisimsim sa smirnoff na iniinom namin.
"Wala," malamig na tugon ni Kir saka kinuha ang bote na iniinom ko at nagsalin siya ng kaunti sa baso niya.
Nakatatlong bote ako pareho kami ni Gau. Si Zette naman ay hindi masyadong uminom dahil siya ang may dala ng sasakyan. Si Kir naman ay kumukuha lang si iniinom ko dahil hindi naman siya mahilig sa mga inumin.
Pareho kaming nasa backseat kaya napagdesisyonan ko na isandal ang ulo ko sa balikat niya habang busy siya sa panonood ng tiktok videos sa phone niya. Doon na rin ako tumingin at kunwaring may pakialam sa pinapanood niya.
"Anong grade ihahandle mo?" mahinang tanong ko dahil malapit naman ako sa kaniya. "Grade 9 ako."
"Grade 10."
Ang iksi sumagot. Isang tanong, isang sagot talaga ang taong ito.
"Ayos ba CT mo?"
CT ko kasi mukhang masungit. Bigla akong kinabahan. Mukha pa lang parang mangangain na. Hindi ko nga magawang magjoke. Nakakatakot. Bigla akong kinabahan para sa buhay ko buong internship journey. Baka machissmiss pa ako.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024