31st

864 27 9
                                    

Chapter 31

5am ay nagising na ako. Si Gau naman halatang wala halos tulog. Binilhan kami ni Vera ng ointment at concealer para takpan ang galos at iilang pasa namin. Habang nagsasaing ako sa rice cooker nagpiprito naman si Gau ng itlog sa electric pan. Hikab pa siya nang hikab. Kahit noon unang lipat namin ganito na talaga ito.

Si Zette naman magigising na lang tapos kakain tapos tagahugas naman si Zette habang si Kir naman ay ang mag-aayos o maglilinis. Habang ako ito pagsasaing lang talaga.

Naligo na ako matapos ko maisalang. Nauna na ako magbihis pagkatapos at alam ko na architecture student si Gau pero siya ang naglagay ng mga concealer sa pasa't galos ko.

"Para lang ako nagpipaint pala," sabi niya habang parang pakiramdam ko pinagtitripan na niya ako.

"Ayusin mo iyan at ikaw talaga ang mabubogbog ko."

Nang magising sina Zette ay sabay-sabay na kami kumain. Dali-dali na rin naligo si Kir at ako na ang naglagay ng concealer sa pasa niya sa may labi at pisngi.

Mahirap na baka makwestiyon kami kapag bandaid ang nilagay namin. Maraming tanong.

"Hindi naman daw iyan mahuhulas kaagad. Una na ako. Mahigpit CT ko eh." Pagpapaalam ko sabay halik sa pisngi niya nang makita kong busy sina Zette at Gau sa isang tabi. "Ingat sa pagmaneho ah. See you later."

"Hmm..."

Wala na akong aasahan pa kaya umalis na ako.

May oras talaga na talagang gusto ko na lang magdabog dahil sa makukulit na batang hindi naman na bata. Tulad na lang ngayon matatapos na oras ko pero mukhang nagkukunwari lang silang may pakialam.

"Ano sa tingin niyo nakikipagbiruan ako dito?" walang emosyong tanong ko.

Mabuti na lang at wala CT ngayon kaya nasasabi ko ang mga ito.

"Opo kayo nang opo pero kapag tinatanong ko kayo ng simpleng tanong sa mga sinabi ko wala naman kayong maisagot. Akala niyo ba hindi nakakapagod magsalita dito sa unahan?"

Pikon na pikon na ako kanina pa.

"Bukas be ready sa recitation. Lahat kayo may 10 points kapag hindi nakasagot minus 6 points. Ngayon natin subukan iyang mga ugali niyo."

Padabog kong inayos ang gamit ko sabay alis ng walang paalam dahil tapos na rin nama oras ko.

Nakakapikon na kasi talaga minsan ang mga batang ito. Kung akala nila parati akong makikipagbiruan pwes nagkakamali sila.

Akala ko hindi ko maisusurvive ang internship pero kinakaya naman. Mula sa paggawa ng lesson plan, ims, at kung ano-ano pa.

May mga pasaway, may mga mababaot naman, may mga jolly, introvert, extrovert, pala-kwento. Bawat isa iba-iba kaya mahirap talaga ihandle ang isang section. Kahit si Kir minsan nahihirapan na rin daw pero wala kaming choice.

"May nagsuntukan sa harapan ko." Panimula ni Kir habang umiinom kami ng strawberry shake niya at mango frappe naman ang akin habang nasa tabi kami ng dagat. "Nagulat ako buti na lang kasama ko CT ko kanina."

"Ano ginawa mo?" tanong ko bago ko hinawakan ang isang kamay niya aka ko ipinasok loob ng bulsa ng hoodie jacket ko.

"Umawat. Naisip ko lang na mahirap pala maiwan mag-isa. Kung ako lang iyong nandoon hindi ko alam ang gagawin ko kasi kahit ako nataranta. Hindi ako sanay sa ganoon."

I smiled and pinched his hand a bit.

"I'm so proud of you. That's an achievement. Umawat. Ako kasi hahayaan ko sila siguro." Natawa ako ng samaan niya ako ng tingin. "Joke lang. Tatali ko kamay nilang dalawa sa isa't-isa. Buong maghapon silang magkaholding hands."

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon